on the last minute, tinamad akong mag-extend ng oras [overtime], bigla kasing nagbago ang timpla ng katawan ko, around 3pm ng biglang uminit sa opisina. parang kinapos na naman ng supply ng kuryente ang industrial city [kasalanan ni kadyo! hehehehe!]. so i decided to go out of the office, have my dinner then uwi na.
since home alone na naman ako, may praktis ng volleyball si niko, si deks naman ay siguradong masayang nakikipag-chat yun, kinuha ko ang isang supot na boy bawang [nak ng kagaw! tumaas na ng 50 halalas ang presyo!], isang lata ng mountain dew at isinalang ang dvd na binili ni deks.
isinalang ko ang police academy [1], matagal ko ng napanood ito, 3rd year high school pa lang yata ako [wag na mag-compute 22 years ago], sa beta nila insang bobby. siguro naman alam n’yo na kung ano ang connotation ng beta noon, akala namin noon kapag beta ay si pepsi paloma [or sarsi emanuel o kaya naman si anna marie gutierez] lang ang pwede mong panoorin.
going back to the movie, para akong eng-eng kagabi, sabi ko nak ng bakulaw, noon nakakatawa ito e, bakit ngayon parang hindi na. i can still remember kung paanong gumulong sa katatawa at halos maihi sa salawal sina “batibot1” at “tacio2“, i’m not saying na hindi na ko natatawa sa pelikula, pero sa tingin ko nag-iiba talaga ang panlasa ng tao.
what you might find funny today will not be funny in the future. but anyways, the movie still tickles my funny bone & the good thing is, nakawala ng isang araw na naman ng pagkabagot.
Popularity: 14% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















1 response so far ↓
1 tk // Aug 23, 2006 at 5:47 pm
sabi mo hindi na kelangan pang mag mag compute kaya diko narin ginawa… wala nman taong tumatanda, nag mamature lang… ayan na nga nakornihan kana sa funny moment ng pinanood mo…. hahah
Leave a Comment