marami sa atin na itinuturing na basurahan ang manila bay, isang nakasusulasok na lugar, mabaho ang amoy. maitim ang tubig at nakakadiri, pero hindi sa mga katulad nila.
para sa mga batang ito, paraiso ang manila bay, wala silang kakayahang dumayo sa lugar na pwede nating tawaging paliguan.
sa mura nilang kaisipan, anomang lugar na pwedeng mag-alis ng mainit na pakiramdam ay katanggap-tanggap, kahit sabihin man nating madumi ito, kahit burak man ang nasa ilalim nito.
nasubukan mo na bang lumusong dito? siguro hindi mo na tatangkain, maamoy mo lang ang mabantot na amoy ay lalayo ka na.
dito sila naiiba sa atin, matibay ang kanilang dibdib na sikmurain ang mabahong amoy na ito, wala naman silang magagawa, wala silang ibang choice.
dito lang sila pwede mag-enjoy.
Popularity: 10% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 rHo // Mar 13, 2007 at 9:07 pm
haaaayyy…. philippines my philippines!!!
2 ann // Mar 13, 2007 at 9:08 pm
Nakita ni tin2 post mo. Ganyan daw ba talaga sa pinas? Mahabang paliwanagan to.
Leave a Comment