Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Aba! Pasko na pala!

December 1st, 2007 · 2 Comments

Unang Pasko ko ngayon sa Pinas after 5 years. Huling pasko ko dito ay noong 2001 pa, tulad ngayon, nagpahinga rin ako sa pagta-trabaho abroad. Noong isang taon ko pa gustong makapag-celebrate ng pasko dito, pero sa mga nakabasa ng mga entry ko last year, siguro naramdaman n’yo na rin kung gaano ako ka-frustrated.

decor

Bakit nga ba gusto kong magpasko dito? Sa tingin ko hindi naman ako unique, sa mga katulad kong nakapag-trabaho sa ibang bansa at lalo na sa bansang hindi ipinagdiriwang ang pasko, nakaka-miss na makitang festive ang mood, ang paglabas ng mga dekorasyon at syempre pa walang tatalo sa mga katutubong kakanin tulad ng bibingka at puto bumbong with matching tsaa o salabat.

Kamusta ang Pasko ko ngayon? Di ko pwedeng ipagsigawang napakasaya, wala namang absolute happiness, siguro pwede kong masabing na-e-enjoy ko ang mga bagay na namiss ko sa loob ng limang taon.

Kung ano man ang itsura ng pasko natin, mauna na akong babati sa inyo ng maligayang pasko at malayang mapagpalang bagong taon.

Popularity: 23% [?]

Tags: Customs & Traditions · Holidays · Pilipinas · Religion & Culture

2 responses so far ↓

  • 1 A Day in a Life » Blog Archive » Ninong na naman ako! // Dec 3, 2007 at 3:50 pm

    [...] nung bininyagan si Sid, anak ni Pareng Mac (kasama ko din dati sa Saudi), at tulad ng sinabi ko sa nakaraang post ko, yun din ang last time na nag-celebrate ako ng pasko dito sa [...]

  • 2 rHo // Dec 7, 2007 at 12:43 pm

    merry christmas din sa’yo kuya!! hehehe… ramdam na ramdam ko ang kasiyahan mo. ibang-iba talaga ang pasko sa atin noh?! hehehe!

Leave a Comment