Kagabi ay binagabag na naman ako ng isang balita na ipinalabas sa TV Patrol. Isang Pinay ang inabuso ng kanyang amo sa Jordan. Nakakalungkot isipin na hindi ito ngayon lang nangyari, naganap na ito sa libo-libong pang mga mangagawang naghanap ng magandang buhay sa ibayong dagat.
Siguro ay sariwa pa rin sa isip natin ang nangyari sa mga kababayan natin sa Phuket, Thailand. Sa likod ng kanilang kamatayan ay may nakatagong mas masakit na katotohanan. Hindi binabayaran ang kanilang buwanang sahod.
Paano natatanggap ng ating pamahalaan ang ganitong katotohanan. Sige, larga lang kasi nga malaking pera ang ipinapasok nila (namin) sa kaban ng bayan. Kung may maabuso, sorry na lang sila at minalas sa pagpili ng mga employer.
With the OFW’s as the single-biggest contributor to the dying economy of the Philippines, kaya nilang ipikit ang mga mata sa mga pang-aabuso sa mga kababayan natin. Siguro nga hikahos na tayo at kailangan nating magpa-alipin sa mundo.
The only natural resources that we have is our manpower and it’s just right to protect them. I agree that we need to “export” labor (although I don’t really like the idea) since the dying economy can’t absorb much of us. Pero sana man lang may kahit konti man lang proteksyon para sa kanila (sa amin).
Maraming kwento pa ang maririnig natin, mas matindi pa sigurong klase ng pang-aabuso. Mayroon pa kayang pag-asa na tingnan man lamang ng pamahalaan ang kapakanan ng kanilang mamamayan?
Popularity: 2% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment