Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Aliwan na!

April 29th, 2007 · 14 Comments

Tirik ang araw nang dumating ako sa venue, 1PM ang call time ng grupo namin, I saw some new faces & met new PiPhols. After the customary “hi” & “hellos” deadmahan na! Kanya kanya ng hanap ng vantage point at ang iba naman abala sa pagkuha ng pre-parade happenings.

We were able to squeeze into the Press Photographer’s box, mas magandang vantage point ito. Nasa harap mismo namin ang mga performers, medyo siksikan nga lang at maraming photographers ang hindi nagbibigay. Nonetheless, nakakuha pa rin naman ako ng mga pictures kahit nakikisiksik lang ako. Here are the photos that I picked (out of 572 photos), this represents the 20 participating provinces, sorry di ko na maalala ang mga lugar kung saan sila nanggaling. Enjoy!


Fiesta!


Grove

Stuck in here

Let's Dance

Hala Bira

I-swing mo ako

Laban Kayo?

Abutin Mo Ako

Hug me

Tara na!

Smile kahit mainit!

Bili na kayo

Wag n'yo ko ihulog

Sayaw lang

Game na kami

Awwww!

Kapit bisig

Jump!

Mainit ang kalsada

Smile


Hindi ko na sinundan ang parada hanggang Aliw Theater, I had taken the pictures that I wanted, mostly expressions & actions, besides, masyado akong gagabihin (o umagahin na) sa pag-uwi. Past 11PM na ako naka-uwi sa bahay, sobrang traffic dahil isinara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula T.M. Kalaw hanggang Vito Cruz. Pag-uwi ay para akong sinuntok ni Pacquiao, konting pahinga lang ay natulog na ako.

Unlike the last time na kumuha ako ng picture sa Aliwan, mas OK ang experience ko this year, at mukhang hindi rin mauulit ang kasaysayan, hindi maibebenta ang D80 ko! Hehehe!

Popularity: 13% [?]

Tags: Customs & Traditions · Events · Festivals · Photo Ops · Photography

14 responses so far ↓

  • 1 melai // Apr 29, 2007 at 2:12 pm

    naks naman!! hindi
    halatang simisingit ka lang ha :) pwedeng panlaban sa mga una kong nakitang pics ng Aliwan :)

  • 2 kneeko // Apr 29, 2007 at 3:22 pm

    Ayos dre ah… talo ang dinagyang wheew…

    dre, anong ginagamit mong image file sa mga shots mo? raw or jpeg?

    wag na ibanet d80 hehe

  • 3 kneeko // Apr 29, 2007 at 3:23 pm

    *ibanet - ibenta pala wheeww typo error lang hehehe

  • 4 masterbetong // Apr 29, 2007 at 3:27 pm

    @melai, hayaan mo ilalaban ko talaga yan

    @kneeko, (JPG) Large/Fine lang setting ko, magastos sa SD kung raw, talagang hindi ibebenta ito!

  • 5 paolomendoza // Apr 29, 2007 at 5:36 pm

    nice nice naman. kitang kita yung kasiyahan sa photos.

  • 6 matt // Apr 29, 2007 at 5:59 pm

    Lufet mo talaga master… sayang at hindi ko pa inabutan yan para nakisik-sik din ako at nang mapalaban lalo ang zoom lens ko… Ganda nang mga shots mo specially the last one, byt the war may kuha ka ba master noong naging Miss Aliwan?

  • 7 ann // Apr 29, 2007 at 6:58 pm

    Ang gaganda ng mga shots mo master. Nasa camera siguro yan no…hehehe.

  • 8 karmi // Apr 30, 2007 at 9:16 am

    ang galing talaga ni kuya!! :D

    ikaw na nga ang kukunin kong photographer sa kasal ko! hehehe.. :P

    tc!

  • 9 masterbetong // Apr 30, 2007 at 9:49 am

    @paolomendoza, salamat sa pagdalaw at comment.

    @matt, mamaya post ko yung mga ladies ng aliwan.

    @Ann, may matandang kasabihan sa photography “it’s the indian, not the pana” :P

    @karmi, aba kelan ba yang kasalan na yan?

  • 10 tin // Apr 30, 2007 at 10:58 am

    wow! kuya! ang ganda ng mga kuha mo ah! :) Beri good! Beri good!

  • 11 empress maruja // Apr 30, 2007 at 12:39 pm

    Gandara ng mga kuha! Mas na-excite kasi ketch sa performance nila sa Aliw Theater, hindi ko alam na mas bongga pala kapag sa Quirino Grandstand ka.

    Hay, lessons learned…

    p.s. Hiniram ko po ang isa niyo pong photo pang-refer sa site ninyo. Thanks!

  • 12 empress maruja // Apr 30, 2007 at 12:42 pm

    EDIT: Bawal pala. hihihi

  • 13 Empress Maruja, ang Usisera ng Aliwan Fiesta 2007 « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random // Apr 30, 2007 at 12:48 pm

    [...] MASTER BETONG [...]

  • 14 don // May 8, 2007 at 8:03 pm

    Nice shots! hope to see more pictures of the pakalog festival of santolan pasig city ,NCR’s Pride ..our pride!

Leave a Comment