Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

am i at the right place?

December 4th, 2005 · 6 Comments

minsan naiisip ko, bakit nga ba ako balik ng balik dito? why not just stay home and find a way to live there. i guess lahat naman sasang-ayon sa akin kapag sinabi kong mahirap maghanap ng trabaho sa pinas. for somebody like me who is more than the prescribed 21-25 years old age qualification, parang nangangarap na lang ako ng pasko sa buwan ng mayo.

how about trying other territory? believe me i tried, pero dito lang talaga madaling pumasok. nangarap ako dati na makarating sa taiwan, malaki daw ang kitaan doon, pero ang problema, ala akong 100K na placement fee. last june nagkita kami nung dati kong kasamahan sa trabaho, nagtrabaho daw siya sa taiwan for 3 years. malaki ang sweldo at open ang overtime, mejo nag-self-pity ako. i could have earned that much money, but wadapak, ok din naman ang kita ko dito e.

pero nung tinuloy n’ya ang kwento n’ya, naisip ko na buti na lang at dito ako napadpad. “maganda nga ang kita doon d’re, pero pag inabot ka ng homesick, durog ang pinag-trabahuhan mo”, kwento n’ya, “inom, sugal, babae ang trip namin doon d’re, ikaw ng nga hahabulin ng babae doon. masarap sana, pero masakit sa bulsa, pagbalik ko nga e mag-iipon na ko, ung naipon ko kasi, pang-placement ko lang sa bagong inaaplayan ko.”

maraming beses ko na rin na narinig ang kwentong ganyan. may tendency kasi tayong i-enjoy ang kasalukuyan, ngayon maraming pera kaya dapat ngayon gastusin not realizing that we will end up with nothing.

mas ok na ako dito, unang-una walang tax na binabayaran at napakahusay ng lugar na ito para ma-rehab ang mga taong may bisyo. i’m not saying na walang bisyo dito, may alak din, may sugal at kung gugustuhin mo pwedeng mambabae. but the risk that you have to take just to get what you want is enormous.

kaya ko pa namang kontrolin ang sarili ko, kaya dito na lang muna ako.

Popularity: 2% [?]

Tags: Uncategorized

6 responses so far ↓

  • 1 mmy-lei // Dec 4, 2005 at 1:22 pm

    tama yang ginagawa mo manong betong… kontrol ka nalang muna…mas mabuti na iyong nag-iingat kesa malingat ang pera mo at baka makalaboso ka pa ng pulis.

    tagay nalang tayo… tawa naman jan!!!

  • 2 ann // Dec 4, 2005 at 3:20 pm

    Tama! Take it from mommy lei. Mag blog ka na lang..wala pang gastos..di ka pa malalasing. O kaya pasyal ka ng Khobar.

  • 3 chocolate // Dec 4, 2005 at 9:32 pm

    jan ka na lang muna faffi ricki para endi mabawasan allowance ko! huwag gaanong magbibisyo dahil masaya sa katawan, sakit pa ng bulsa aabutin mo. gud boy ka na lang muna. oki-doki?

  • 4 mocs // Dec 5, 2005 at 12:54 pm

    Galing ng post mo, Masterbetong!

    Ako malakas mag-inom sa Pilipinas - halos araw araw. alcoholic na nga raw ako eh..sari sari ang bisyo ko - sa Pilipinas - pero dito pero dito na-rehab ako, hehehehe. Kaya para sa akin, its like hitting two birds i.e. buy one take one. Narehab na ako, kumita pa!

  • 5 chocolate // Dec 5, 2005 at 4:17 pm

    …masama sa katawan … dapat iyon

  • 6 masterbetong // Dec 7, 2005 at 12:06 am

    bawal na inom! :D oks lang naman dito e, masaya nga e konti lang ang gastos. :)

Leave a Comment