Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

am i losing track of the historical dates?

September 22nd, 2006 · No Comments

midway sa aming chat ni labs kahapon tinanong n’ya ako:

labs: di ka ba magpo-post about martial law?
me: hindi nakakasawa na e
me: people never learn their lessons

medyo nagulat din ako sa tanong ni labs, considering na inaantok siya everytime na may nababasa siyang “political” topic sa blog ko. sa totoo lang, nawala sa isip ko na september 21 nga pala kahapon, anniversary ng declaration ng p.d. 1081 a.k.a. as declaration of martial law sa pilipinas. kasunod noon ang pagpapalabas ng general order no. 5 (katulad ng ipinalabas ni gma) giving the military the power over the civilians (sabihin n’yo ng oa pero ganyan ang nangyari).

naitanong ko tuloy sa sarili ko, am i losing track of the historical dates? masyado na bang matagal na wala ako sa pinas kaya parang deadma na lang ako sa mga makasaysayang araw? o baka naman unconsciously inaalis ko na ang sarili ko sa ganitong spectrum. pinanghihinawaan na nga ba ako?

hindi ako pinangahihinawaan, kahit anong pangit ng pagtingin ng mga kapwa ko ofw sa pinas, naniniwala pa rin akong babangong muli ang bayang ito. i don’t care kung may ipis, maraming langaw, matrapik, may nakamamatay na lamok, holdpan, nakawan ng cellphone, nangongotong na pulis, magnanakaw na pulitiko, mangagantsong relihiyon at kung anu-ano pa mang peti-kriminal at problemang kinakaharap ng ating bansa. mas concern ako sa lumalaking porsyento ng kawalang pag-asa at pagkibit balikat ng bawat isa sa atin.

naalala ko ang isang kwento na naibahagi sa akin ng isang kaibigan:

noon daw panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, sinalakay ng mga aleman ang isang bansa sa europa (nakalimutan ko na kung anong bansa), sabi ng isang mamamayan:

noong pinagpapapatay nila ang mga hudyo, hindi ako kumibo dahil hindi naman ako hudyo. isinunod nila ang mga muslim, di rin ako kumibo dahil hindi naman ako muslim. inihanay nila ang mga kapitalista at binaril sa plaza, hindi rin ako kumibo dahil hindi naman ako kapitalista. ang mga propitaryong tsino ang isinunod nila pero di pa rin ako kumibo dahil hindi naman ako isa sa kanila. ngayong ako naman ang papatayin nila, wala ng kikibo dahil wala na silang lahat.

Popularity: 5% [?]

Tags: Personal · Point of View · Politics & Economy

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment