sa wakas dumating na rin ako sa pinas, mejo mahaba ang byahe, may 4 hours na stop over sa doha. pagtiyagaan n’yo na ang mg kuha ko during the trip.




nakakalungkot lang na parang everytime na uuwi ako, may nakakasabay akong kababayan na pinapawian ng bait. isa na namang inabusong dh1 ang nakasabay namin pauwi ng pilipinas, iniwan lang ng qatari police sa airport.
hindi nagsasalita ang babae at nawalan ng malay. dito nakita ang concern ng kapwa ofw sa bawat isa, isang galing europa ang tumulong at nakipag-usap sa airline ground personnel para maisakay sa eroplano ang kababayan natin. may mga tumawag din sa pinas (owwa) upang salubungin siya.
walang nakaalam kung ano ang nangyari, inabuso ba siya, sinaktan? siya lang ang maaring magkwento, iyon ay kung babalik pa sa kanya ang kanyang katinuan.
nakakalungkot na sa gitna ng ganitong mga pangyayari, patuloy pa rin ang pagpapadala ng mga kababayan natin sa gitnang silangan upang abushin lang ng kanilang mga amo. hindi naman sa sinasabi kong huwag ng magpadala, sana man lamang ay maging selective tayo at may mahusay na monitoring.
ganito na lang ba ang kahahantungan ng mga kababayan natin?
Popularity: 7% [?]
- domestic helper [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














4 responses so far ↓
1 sasha // Jan 5, 2007 at 12:59 pm
Aba! Welcome back sa Pinas, master!
Kawawa naman yang nakasabay mong kababayan natin. Naiisip ko nga lagi kapag nakakapanood ng ganyang case sa news, kung taga-US yan o 1st world country, sigurado lagot yung may sala! Dito sa atin, “hayaan na lang kasi normal na yan na nangyayari” ang attitude ng mga nasa gobyerno…
Tsk tsk tsk
2 TiKey // Jan 7, 2007 at 4:02 pm
Basta enjoy enjoy kalang jan master!
3 ann // Jan 9, 2007 at 12:00 am
Wow! With matching pictures pa talaga ang byahe mo ha. Di ka nainip sa byahe nyan. Sana pwedeng makipag chat sa eroplano no para di mo mapansin yung almost 10 hrs na byahe.
4 manilenya // Jan 9, 2007 at 1:31 pm
uy MB anong plugin yan? galing naman
Leave a Comment