Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Ang Isa Kong Boto

May 11th, 2007 · 4 Comments

May nagtanong sa aking kung boboto ba daw ako o hindi, bagay na matagal kong pinag-isipan. Sa totoo lang matagal ng nawala ang paniniwala ko sa electoral system ng ating bansa. Kahit na nagkukumahog na makapwesto maging ang mga nagsasabing progresibong bloke ng ating lipunan, malayo pa rin sa pangarap ko na ito ang ganap na makapagpapabago ng ating lipunan.

Ang Pilipinas ang kinikilala bilang pinakamatandang demokrasya sa Asia, sa mahigit isang daang taong pag-iral nito, tila malayo pa rin sa katotohanan ang demokrasyang pinapangarap natin. Lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa, patuloy na lumolobo ang bilang ng kahirapan at gutom. May magagawa pa ba ang isa kong boto?

Teka, tila hindi ko pa rin nasasagot ang tanong, boboto ba ako? Ang sagot ko ay “oo”, sa simpleng panuntunang “lesser evil.” Wala akong nakikitang totoong magdadala ng tinig ko (o tinig ng masa) sa kongreso at senado, pero kailangan ko pa ring i-exercise ang aking karapatan.

Walang puwang sa boto ko ang mga kandidatong may malawak na karanasan sa pagpapahirap sa bayan, ang may mahabang karanasan ng karahasan, ang mga taong patuloy na bumabastos sa karapatang pantao, sa kalikasan, sa mga manggagawa at sa pinakamaliliit at inaaping sektor ng lipunang ito.

Hindi ko sasayangin ang isa kong boto sa mga mapagkunwang makabayan, mga di-umano’y tagapagtaguyod ng karapatan ng mamamayan subalit kaibahan ang totoong ginagawa. Sino ang iboboto ko? Iilan lang silang pumasa sa kwalipikasyon, subalit pangangatawanan ko ito. Dito man lang ay maipaabot ko ang disgusto sa mga taong walang karapatang tawaging “Honorable.”

Popularity: 6% [?]

Tags: Point of View · Politics & Economy

4 responses so far ↓

  • 1 daylen // May 12, 2007 at 4:30 pm

    hmmm…we are, more or less, on the same boat. alam ko from the start na boboto ako. ang problema ko ay, anong pangalan ang isusulat ko sa balota. hanggang ngayon 2 pa lang sa mga senador ang sigurado na iboboto ko nang walang pag alinlangan. sa congressman, wala ako napipisil. sa mayor at councilor, wala din. it’s not even a case of choosing the lesser evil, kasi pare-pareho silang walang kwenta. tsk tsk tsk.

  • 2 manilenya // May 12, 2007 at 10:29 pm

    uhmmn kapuso ka aminin lol!!!

  • 3 tin // May 12, 2007 at 10:45 pm

    mahirap nga bumoto ngayon. ang hirap pumili sa mga kandidato. Pero sana, wala rin dayaan na mangyari katulad nung nakaraang eleksyon.

  • 4 ann // May 13, 2007 at 5:33 am

    Paano ka boboto ryan master eh registered ka ba naman? Tagal mo nang wala sa pinas di ba?

Leave a Comment