Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Ang Masa

December 22nd, 2004 · No Comments

Kaninang umaga namalas natin ang matinding suporta ng karaniwang mamamayan kay FPJ. There’s no question that he is so popular that he was able to mobilize thousands of people in his funeral march.

Di lamang natin nakita ang suporta ng masa sa libing, sa mahigit na isang linggong lamay nito ay dinagsa ng mga tagahanga, taga-suporta, usisero at elementong sinasamantala ang pagkakataon upang makapanlamang sa kapwa.

Not just that they are mourning for the death of a movie idol, they are mourning for the death of a fallen hero, a leader. Matay ko mang isipin wala akong nakitang pagkakataong pinangunahan n’ya ang pakikibaka sambayanan maliban sa kanyang pagtatangkang maupo sa pinakamataas ng tungkulin sa bansa.

His charisma has overwhelmed the whole nation. At kung tama ang ispekulasyon ng mga taong nakikisimpatya (o nakikisakay) sa kanya, siya daw ang tunay na pangulo ng bansa. The masses has found a leader, sa tingin nila ay si Ginoong FPJ ang maaring magligtas sa kanila sa kahirapan, hindi lang bilang proxy ni Erap, if you can sense it well, he has the gained the respect of the masses.

Looking back, naalala ko tuloy ‘yung mga pag-aaral namin sa kilusan, dapat daw pangunahan ang masa, dapat daw mulatin ang masa. In it’s existence, the movement has been overpowered by the charisma of the class that they are continually struggling against. Ang burgesya pa rin ang nakakakuha ng simpatya ng masang Pilipino. From the battles of Ninoy, Estrada and now Da King, hindi ito napantayan ng kilusan.

Ang dedikasyon ng mga masang tinaguriang “goons” noong EDSA 3, ang kahadaan nilang mamatay maibalik lang sa upuan ang inaakala nilang mesiyas na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Nasaan ang masang dapat na kinakalinga, pinapangunahan at minumulat ng kilusan? Kasama ng burgesya at mga alipores nito.

Nasaan ang kilusan na dapat magmulat sa kanila? Abala ba sila sa tunggalian sa loob at sa iba pang pwersang “progresibo”? Nasaan ang umangkin ng pamumuno sa masa, natutulog sa isang marangyang silid sa Netherlands?

Bilib ako sa mandirigma ng masa, ang walang kapaguran nitong pagmamartsa sa kabundukan, ang patuloy nitong pakikibaka upang pigilan ang ganap na pagdurog sa hukbo ng bayan. Bilib ako sa mga organisador, ang mga karaniwang kadre na walang kapagurang binabaka ang katigasan ng ulo ng masa. Pero tila kulang, tila patuloy na nalalansi ng naghaharing-uri ang masang Pilipino.

Have we thought of these things? Nakita na ba natin na wala sa likod natin ang nakakaraming masang Pilipino. Saan tutungo ang ganitong uri na laban? Nasa Pilipinas ang labanan, nasa lansangan ang labanan, ang pakikibaka ng mamamayan ay nagaganap sa kanilang hapag.

Sana man lang di natin isiping mangmang ang sumama kay Erap o kay FPJ, sila ang masa, sila ang masa na nakakita ng pag-asa na di nila nakita sa kilusan.

Popularity: 6% [?]

Tags: Daily Rants · Pilipinas · Point of View · Politics & Economy · WTF

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment