ten years ago today, ipinanganak si karlo manuel babilonia sa st. dominique medical center, bgy. talaba, bacoor, cavite. as far as i can remember, ganito ang mga pangyayari.

alas-3 na yata nang umaga ng umuwi ako, hindi dahil sa kung ano, galing ako sa pulong ng kolektibo namin. it was time for our mid-year assessment meeting. we were expecting karlo to come out between june 6 to june 13.
around 6am nang gisingin ako ng mama ni karlo, sabi n’ya manganganak na daw siya. kahit mabigat ang pakiramdam, bumangon ako at naghanda, on the way to the toilet ng makasalubong ko si nanay, “dalhin mo na si arlene sa ospital, manganganak na yan”. i took a quick bath and prepared everything, mg basic needs lang.
sa ospital, na-admit na agad siya pero around 6pm pa naipanganak si karlo. i can’t explain the feelings, di ako mapakali, mahigit isang kahang sigarilyo yata ang naubos ko sa buong 12 oras na paghihintay ko. one time sinabi ng sekyu sa akin, “first baby n’yo sir, ganyan din ako noon e, pero nung nadagdagan pa, parang normal na lang” ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
after 10 hours dinala na si arlene sa delivery room, one hour later lumabas si doktora announcing the arrival of karlo, “sir, lalaki po, pwede n’yo ng makita sa nursery, sa incubator muna siya for 3 days, obserbahan muna for possible infection”, sabay abot ng reseta sa akin.
3 days later, inilabas si karlo & the next day lumabas kami ng ospital.
karlo is a special child, yes he is autistic, he was diagnosed with that “disability” about 6 or 7 years ago. masakit sa isang magulang na malaman mong hindi lalaki ang anak mo katulad ng ibang mga bata. hindi ko na mabilang kung ilang beses kong iniyakan ang bagay na ito.
bukod pa dito, na-develop ang “defect” sa kanyang hita at may kaliitan siya kung edad n’ya ang pagbabatayan. nevertheless, he is still my child & i am very thankful dahil kakaibang ligaya ang ibinibigay n’ya sa akin. i never asked the lord to make it easy for me to accept the facts, hiniling ko lang na maging madali sana para kay karlo ang mabuhay ng tulad nito. marami akong kasalanan sa anak ko, maraming pagkukulang, i never wanted to be a bad father, but the circumstances had forced me to.
happy birthday anak.
Popularity: 8% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














15 responses so far ↓
1 tk // Jun 3, 2006 at 1:45 pm
Happi bertbey kay Karlo… Master, Swerte ang mga batang ganyan…kasi nga special diba? love ni Lord ang mga bata.. and i know swerte sya sayo at ikaw naging ama nya!!! happi fathers day din sayo master!!
2 melai // Jun 3, 2006 at 3:45 pm
uyy!! happy birthday kay karlo


teka bakit parang hindi ikaw yung nasa pic?
wish ko magkasama kayo ng matagal tagal ni karlo
good luck pagdating ng panahong yun
3 neng // Jun 3, 2006 at 4:00 pm
^^alles gute zum geburtstag^^ kay Karlo …
dats layp master, tao lang tayo eh kaya wag
gaanong malufeeet sa sarili.
“It is a wise father that knows his own child” ~ Shakespeare
4 kneeko // Jun 3, 2006 at 4:05 pm
bawi ka na lang kay karlo pag-uwi mo… hapi bday sa kanya…
ilang taon na nga si karlo?
kaw daw ba yan sa pic sabi ni melai?
5 masterbetong // Jun 3, 2006 at 4:09 pm
@tk, yes he’s special, swerte nga ba dahil ako ang tatay?
@melai, ako yan 10 years ago, hunk pa! hehehehe!
@neng, wish ko lang sana na mas mahaba yung time ko sa pag-aalaga sa kanya.
@kneeko, nak ng teteng di nagbabasa e! 10 years ago, e di 10 years old! *toinks!
6 gurlie gurl // Jun 3, 2006 at 5:52 pm
kakaiyak naman…pero saludo po ako sa inyo…may mga cases kasi na imbes suportahan ng parents yung anak nila e nawawalan pa sila ng amor…yung iba naman hindi din ibukas mata nila na special yung anak nila….di tuloy nila maibigay yung talagang pangangailangan ng bata…galing mo sir! hapi birthday sa bebe nyo.
7 tk // Jun 3, 2006 at 6:13 pm
In ur own special ways alam ko at ng anak mo how much u love him nman dba? Syempre special karin kasi!!
8 jami // Jun 3, 2006 at 10:55 pm
hakhakhak.. kulit ng itsura amp… gwabe,danun pla un
9 basey // Jun 4, 2006 at 12:38 am
Master,
Biyaya pa din sya ng Panginoon syo…just give him the love and care that a child as special as him would need…buti nga kahit isa meron ka di ba…Happy Birthday Karlo!!! Advance Father’s day master!!!
10 Dheenato // Jun 4, 2006 at 6:39 pm
Does he go to special school?
11 sirena // Jun 5, 2006 at 3:26 am
marunong bang magbasa ang alaga mong daga master?
noong bday nga ni mama, ako ba naman ang binati
palibhasa keso lang ang laging nakikita!
pero totoo ba na naging paniki na siya ngayon?:razz:
12 six-0-four // Jun 5, 2006 at 2:33 pm
… master… eto na pala ung resulta ng ilang days mong pinaghandaan na entry mo about Karlo. kaya naman pala kinailangan mo ng kleenex eh! nakuu.. ayan… naibenta tuloy kita!
there’s no question about it, Karlo is lucky to have a Papa like you. nagkataon lang na wala kang choice sa mga pangyayari. tulad ng lagi kong sinasabe sa yo, just hang in there. you have bigger plans naman para kay Karlo.
for the meantime, ikaw na muna bahala sa regalo ko ha?
13 melai // Jun 6, 2006 at 3:44 pm
sana hindi na lang nag 10 years after ano

wahehehehehehehe!!
joke lang po MB
wab u wab u
14 Lyra // Jun 7, 2006 at 5:21 am
Hi Master,
Silent reader ako ng blog mo. My daughter is also a special child, I love her so much & it breaks my heart pag naiisip ko ang future nya.
15 Charrisse // Nov 26, 2007 at 8:12 am
Saan po tayo sa talaba ? Ako po taga Talaba 5 ? Kayo po ?
Leave a Comment