andami kong nare-receive na tag galing sa mga blogger friends ko, namamangha sila dahil parang sobrang haba ng bakasyon ko. sina kd at ann (at ibang friends ko sa saudi) naman naghihintay ng pasalubong.
hindi naman mahaba ang bakasyon, given my leniency, parang normal naman ang 3 months na bakasyon. bukas pa ang ikalawang buwan ko dito sa pilipinas, meaning may isang buwan pa ako. march 22 ang return ticket ko, ito yung ibinigay na ticket sa akin ng aking pinakamamahal na kompanya.
but to set the record straight, hindi na po ako babalik sa kompanya ko, meaning hindi na muna ako babalik sa saudi. kung nasubaybayan nyo ang paglalakbay ni master, malamang may hint na kayo kung anong naging dahilan ng desisyon kong ito.
mahirap sa akin ang ginawa kong desisyon, kungbaga, inalisan ko ng pagkain ang aking bibig, pero minsan kailangang pangatawanan ang isang desisyon, maari naman kasing ito ang magbigay ng mas magandang kinabukasan para sa akin.
sa kasalukuyan ay pilit kong humanap ng pagkakakitaan dito sa pilipinas, ang aking bisyo (photography) ay hinahanapan ko ng pagkakataong magdala ng limpak-limpak na salapi sa akin, pero tila wala pang swerte.
ang pinakamadaling pagkakitaan “daw” ay wedding photography pero parang lahat ng may hawak ng digital slr1 camera ay gustong maging wedding photographer kaya over ang supply ng wedding photographer ngayon sa market. in fact sa isang online forum na sinalihan ko, maraming nagprisintang maging VA (volunteer assistants) para lang makabuo ng isang portfolio, i’m thinkig of doing the same pero hindi sa mga hindi ko kakilala para hindi naman sobrang naabuso ang talent ko.
sa ngayon ay nag-aabang ako ng mga photo contest, hindi lang para manalo kundi para mas masanay, the past contest na sinalihan ko had thought me a lot at siyempre kakaibang experience yung makita at maka-usap mo yung fellow enthusiast mo.
sa march 7 pa ang announcement ng top 15 entries at sa march 17 ang final verdict, sana man lang makapasok ako. sana man lang kahit isa sa sampung entry ko ay mapili bilang finalist.
there’s another contest na naka-line-up, sponsored ng fuji-ykl color may theme na “red & green”, plano kong i-entry ito.
just wish me luck…
Popularity: 2% [?]
- single lens reflex [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














3 responses so far ↓
1 ann // Mar 4, 2007 at 6:21 pm
waaaahhh..di ka na babalik dito. Pano yung pasalubong namin..joke lang.
Kung ano yung sa tingin mo ay magandang desisyon para sa buhay mo..go on. Malay mo wala pala rito ang swerte mo. Goodluck.
2 sasha // Mar 5, 2007 at 12:47 pm
Hindi ka na pala babalik… Goodluck, master! Pasasaan ba at magdadala rin sayo ng swerte yang bisyo mo
3 jlois // Mar 5, 2007 at 6:00 pm
at least hindi ka na maho-homesick diba?:shock:
Leave a Comment