malaya nga ba tayo? paano natin ito mapapatunayan? dahil 108 taon na mula ng ideklara ang kalayaan sa kawit, cavite? dahil bukod doon ay ilang araw pa rin ng kalayaan ang idineklara?
ano ba talaga ang araw ng kalayaan ng pilipinas? may nagsasabing 1896 dapat, sa pugad-lawin kasi pinunit ng mga katipunero ang kanilang cedula bilang tanda ng pagsuway sa pamamahala ng mga kastila at pagpapasimula ng malawakang rebolusyon laban sa kanila.
maari ba nating panghawakan ang kalayaang idineklara ni gen. aguinaldo? kung susuriing mabuti ang acta declaracion dela independecia en las islas filipinas (click her for english english translation), hindi ganap na kalayaan ang idineklara kundi isang protectorate state1. hindi rin nagtagal ito, disyembre 10, 1898, nilagdaan ang 1898 treaty of paris, binili ng amerika ang pilipinas mula sa espanya matapos silang maglaban sa manila bay sa halagang $20 milyon.
nariyan din ang deklarasyon ng kalayaan mula sa amerika noong hulyo 4, 1946 matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
opisyal sa kalendaryong pambasa na hunyo 12 ang araw ng kalayaan. pero malaya nga ba tayo?
Popularity: 12% [?]
- The Philippines: A Past Revisited. Renato Constantino [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














9 responses so far ↓
1 gabriela // Jun 12, 2006 at 5:58 pm
kailanman di naging malaya ang mga alipin!!!
2 delish // Jun 13, 2006 at 11:06 am
malaya tayo kung sa malaya
yung mga ginagawa natin dahil sa tayo’y malaya yung problema… tayo ang ayaw sa maayos na direksyon, sa maayos napamamalakad, sa maayos na buhay…
kasi kailangan ng EFFORT at DISCIPLINE para maging maayos ang lahat… at dahil sa malaya tayo, pwede nating piliing walang gawin, walang tupdin, walang usisain…
malaya tayo…
3 misty // Jun 13, 2006 at 1:04 pm
ganda ng sagot ni delish… saludo ako!
sana malaya na lang din ang name ko..:mrgreen:
4 keniger // Jul 20, 2006 at 3:54 pm
pwede bang magtanong…………… ganap na ba na malaya ang pilipinas????????????:smile::smile::smile::smile::smile::smile::smile:
5 angelica // Jun 7, 2007 at 6:43 pm
kailan ba tayo naging malaya? siguro, hindi yan mangyayari…….. kailanman……….
6 mhark // Jun 11, 2007 at 1:34 pm
para sa akin bilang isang istudyante may parehas akong idea na oo hindi tau malya dahil tau ay sunodsunodran parin tau sa mga dayuhan at maaari rin na malaya tayo dahil sa ibang bansa meron parin na hindi malaya sila ay dapat paglingkuran ang mga nakakataas ngunit sa ating bansa hindi ganun malaya tayong mag tampo,sumaya,umiyak at iba pang mga gawaain oo nga may mga batas na kaylanan na sundin ngunit para sa ating kaligtasan rin uon dba!!!!un lang po ang masasabi ko po at sori po kung medyo malabo ang comment ko kasi po 1st lang po ako eh 12 years old lang po me eh!!!!bye po!!!
7 mikee // Jun 11, 2007 at 2:51 pm
nasa kamay nating mga pilipino ang kalayaan nating mga pilipino!
8 hanie // Jun 11, 2007 at 4:33 pm
bilang isang esdudyante sa tingin ko endi tau malaya dahil panu tanu magiging malaya kung still umaasa tau sa ibang bansa…kaya nga tayo tinawag na INDEPENDENT COUNTRY kasi endi natin kailangan ng tulong ng ibang bansa…dahil kaya natin kahit wala sila…that’s the real INDEPENDENT…
9 anna // Oct 17, 2008 at 10:15 pm
di tayo malaya!!!!!
kala nyo lang yon!!!!
Leave a Comment