Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

araw ng paggawa

May 1st, 2006 · 4 Comments

kulang ang maghapon
upang maka-ipon
at makaka-ahon
ang isang dukha

kulang din ang pawis
kahit labis-labis
kung ang nagna-nais
ay maralita

manggagawa - gary granada

Haymarket Marker
ngayon ang itinakdang pandaigdigang araw ng paggawa (labor day), para sa karamihan, isa lamang itong holiday, pwedeng magpahinga o kaya naman ay doble ang bayad kapag pumasok.

subalit kung babalikan natin ang kasaysayan, malalaman natin na sa araw na ito 120 taon na ang nakakalipas, ang mga manggagawa ay nakibaka upang paikliin ang oras sa paggawa na noo’y 10-12 oras.

utang natin sa kanila ang tinatamasa nating maikling oras ng pagta-trabaho, para sa akin bilang isang manggagawa, sagrado ang araw na ito. maraming nagbuwis ng buhay upang kamtin natin ang mga benepisyong tinatamasa natin sa ngayon.

the struggle of the working masses never ends there, walang katapusan ang pakikibaka tungo sa isang lipunang kumikilala sa mga taong nagpapatulo ng kanilang pawis upang manatiling buhay ang ekonomiya.

padayon!

Popularity: 4% [?]

Tags: Holidays · Politics & Economy

4 responses so far ↓

  • 1 TK // May 1, 2006 at 7:38 pm

    Aaminin ko, ngayon kolang talaga nabatid ang history ng araw na ito, at salamat sa inyo. Ngunit napansin ko lang na mas ninanais ng karamihan ng magtrabaho sa araw na ito upang makamtan ang dobleng bayad sa kanila.

    Siguro nman kahit sagrado ang araw na ito, mas gugustohin ko parin na may ipakain sa pamilya ko hindi ba? Mahirap isakripisyo ang pangangailan ng pamilya mo. lalo na kung kakarampot lang ang iyong sweldo. Eto na ang oportunity mo na kahit singko e madagdagan ang pang-kain nyo.

    Kuya, wag kayong magalit sakin ha. comment lang nman yan. cguro nasa nagpapatakbo din nman ng bansa yan. hay ang layo ng narating ko!!!

  • 2 masterbetong // May 1, 2006 at 7:50 pm

    wag kang mag-alala TK, ako man ay nagta-trabaho din ngayon. :razz: sa akin lang mahalagang alalahanin natin ang esensya ng araw na ito para sa katulad nating mga manggagawa.

    salamat sa comment.

  • 3 melai // May 1, 2006 at 11:17 pm

    mabuhay ang uring manggagawa!

  • 4 TK // May 2, 2006 at 8:07 am

    Weeeeeeeeee.. sa wakas na comment ka narin sa comment ko. kala ko kc ako lang mag isang nag-sasalita dito.
    MInsan me kalaliman lang ako, pero mababaw lang kaligayan ko! uy minsan pasyal ka sa bahay ko tapos xlink tayo ha! tenchu po!

Leave a Comment