Every 2nd Sunday ng May ay ginaganap ang fiesta sa aking lupang sinilangan, ang Bacoor. Since 3 ang simbahan dito, i.e. Katoliko, Agalipay at isa pang Aglipay (break away faction), meaning 3 din ang hermanas, kaya naman pinaghahandan itong mabuti, isa sa mga highlight ng fiesta dito ay ang parada ng musiko.

Taon-taon ay pumaparada sa Evangelista St. ang mga musikero mula sa Bacoor at kalapit bayan (tulad ng Imus, Dasmariñas, Tanza, Kawit, Cavite City, Las Piñas, etc.).

Natural na ang pagkahilig ng mga taga Bacoor sa musiko, sa maniwala kayo at sa hindi, maging ang libing dito ay inaasistehan ng banda.

Isa pang patunay ng pagka-adik namin sa marching band ay ang Banda 96, Anak Zapote, Banda 41, El Gobernador, San Lorenzo Ruiz, The Original (Prof. Rubio) (kumpleto na ba?) na pawang nakabase sa Bacoor.

Ang parada ay nagsisimula ganap na ika-3 ng hapon sa kanto ng Coastal (sorry na lang sa mga natrapik!) at nagtatapos sa Poblacion.

Kaya nga wag kayong magtaka kung bakit tila uhaw na uhaw ang mga musikero sa nga kuha ko.

Sa init ba naman ng araw at sa hirap ng pagbuga o pagpalo sa intrumento, sino kayang hindi uuhawin.

Syempre kanya-kanyang gimik, may nagsusuot ng shades.

May nandadaya.

Merong walang magawa kahit mabigat ang dinadala.

Batang nagsisimula ang mga musikero, mas madali kasing matuto ang mga bata, marami akong kaklase noong elementary at high school na musiker o kaya naman majorette.

Bukod sa natututo ka ng tumugtog ng instrumento, may mga incentives pa, tulad ng sweldo tuwing may asiste at possible na scholarship.

Muntik na akong maging musikero, gusto ko sanang i-request kay nanay na mag-aral ako ng clarinet, kaya lang natakot ako noong ikinuwento sa akin ng kaklase ko na namamalo daw ng baton si Prof.

Sa totoo lang, medyo konti ang pumaradang banda ngayon, unlike noong mga nakaraang taon, to think na election year dapat maraming kandidatong nagpapasikat.

Naging maayos naman ang parada kahit na maraming pasaway na gumigitna, buti na lang andyan ang pulis at Militar para mapanatili ang kaayusan.

Besides the usual tsibug at parada ng banda, panahon din ito para makita kong muli ang mga dati kong kaibigan. I saw my cousin who fathered 5 children from 3 different women, nakita ko rin si Mache, kaklase ko noong elementary na huli kong nakita noong graduation namin. Ang 2 kong Ninang, ang mga distant Lola at marami pang iba.
It’s good to be back home…
Popularity: 37% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















5 responses so far ↓
1 rHo // May 14, 2007 at 10:32 pm
doon kami sa malagasang, sa may imus at korek na korek ka dyan… sobrang hilig nila sa musiko! kaya pala nung inilibing si lolo ko, may musiko pa… pero mellow lang naman yung mga tugtog nila e!
gaganda ng mga shots mo!
2 Banda 96 : Master’s Daily Photos // May 16, 2007 at 9:47 am
[...] Posted on May 13, 2007 One of Bacoor’s pioneer marching band, the 96 Band performed during the town’s fiesta. See more photos here. [...]
3 Ted // Jun 4, 2007 at 11:25 pm
I reminisce the town fiesta celebration in the 60’s. Labanan sa prusisyon ang Anak Zapote at Banda 96. It was a very friendly rivalry. Ganoon din ang Catolico at Aglipay - to the delight of the crowd.
What 40 years make a difference. The marching band is very colorful and youthful. In the old days, to be a member of the marching band, you must have a waistline of at least 40″.
Thank you Masterbetong for posting this.
4 Caesar Ulsano // May 21, 2008 at 12:47 pm
Nice pics!
5 cedz // Aug 26, 2008 at 4:19 pm
iba tlaga ang anak zapote band.akalain mo, more than 80 yrs n intact p din.d k2lad ng ibang banda s bacoor n pilit pinapantayan ang anak zapote.s banda n rin ito nagmula ang ilang miyembro ng mga sundalo buhat s hanay ng sandatahang lakas.ano say nyo mga taga SOLID dyan h.
Leave a Comment