pagkatapos mapanood ni master ang bagets at pagkatapos pagdusahan ang panunupil ng clerico-pasistang paaralang (juice mother mo pudra v.!) pinamumunuan ng mga secular na pari, kailangang baguhin na ang istayl ni master.
isang napakalaking transformation ang nangyari, mula sa pormang etivacs1 naging pormang bagets na si master.

ano daw ang pormang etivacs?
simple lang at madaling makilala ang pormang etivacs:
- ambell2 levi’s3 na low-waist, kailangang ang bulsa ay malapit na sa alak-alakan
- scarf na light color, kailangang maayos ang pagkakatupi at ilalagay sa kaliwang bulsa ng maong sa likod, dapat ding nakalitaw ito para mapansin (pamorma lang, di kailangang gamitin).
- hanes t-shirt (printed or plain), dapat yung maikli ang manggas at medyo fitting at maikli (para makita ang scarf), nakapaloob ang harapan sa pantalon para makita ang susunod na item
- leather belt na malalaki ang buckles (para ready sa rambol), pwede baril, harley davidson at kung ano-ano pang brass or stainless buckle
- ang toga dapat hush puppies, yung gamosa (hehehehe!), may special care jan dapat 7-up ang pang-linis para manatili yung ganda ng gamosa
- ang buhok, dapat gupit “tiwart4“, yung parang may ipo-ipo sa ibabaw ng noo, laylay ang bangs tapos brush up, basta yun na yun!
- s’yempre dapat samahan yan ng choice of music, dapat ang nasa playlist mo ay heavy slow rock at rock. dapat ang mga “bala5” mo deep purple, led zepp, juan dela cruz at kung ano-ano pa, basta maingay! pag hapon dapat hawak mo na ang transistor radio mo at nakikinig ka sa frc
- optional accessories, rayban, yosi at iba pang kolorete.

galing sa pormang etivacs naging bagets ang nagbibinatang si master.
- choice between baston na slack or stretch na maong, dapat yung bitin (ala michael jackson).
- colorful na polo, dapat striking ang kulay tapos hindi isasara ang butones, dapat din naka-tupi ang manggas na litaw ang manggas ng panloob.
- panloob na plain tshirt, normally puti lang pero mas striking yung may kulay. minsan ay hanging shirt ang panloob.
- sa toga, either espadrille, blah-blah o kaya naman canvass na chuck taylor na magka-ibang kulay
- ang buhok dapat one-sided na ginamitan ng super daming gel, yung mga extreme nilalagyan pa ng glitters pag may party, pormang robert smith ng the cure. would you believe na vaseline petroleum jelly ang unang gamit kong gel. hehehehe!
- shades na close to what randy santiago is wearing.
- sa music, new wave ang trip.
it was not easy to transform, sa cavite kasi, parang isang outfit lang ang allowed, parang kabaduyan kapag nag-iba ka ng porma. kung tawagin nga kami ay “tropang bagets”, di lang naman kami ang nagbago, marami din namang gumaya sa pormang bagets, kaya lang sikat talaga ang makukulit!
Popularity: 40% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















5 responses so far ↓
1 melai // Sep 26, 2006 at 1:39 pm
ganyan ba naiinlab master? nagbabago talaga ang porma at estilo ng damit?
2 tk // Sep 26, 2006 at 7:11 pm
Nyahahah! 7 up pala ang pang linis ng gamosa ah! nyahah! ganun pala yun, pero inferness malaki ang tinransform mo! ngayon kaya ano na?
3 mauwy // Sep 26, 2006 at 10:46 pm
eheheh dito naman sa manila mga suot ng kabataan apre-parehas lang kala mo nagusap-usap pero hindi naman ^^
4 sasha // Sep 27, 2006 at 11:40 am
Nakakatuwa namang basahin ang iyong nakaraan master! Billy Jean ba ang uso ng mga panahong yan? hehe
5 rHo // Sep 29, 2006 at 6:38 am
hahaha master, natuwa naman ako dun sa pormang etivacs mo kasi ganyang-ganyan ang tatay ko nung araw!! hehehe…
naks… pero ikaw ha, isa lang ang masasabi ko!!! japorms na japorms ka pala master! hehehe!
Leave a Comment