Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

bagong bahay, lumang pako

February 20th, 2006 · No Comments

Bagong bahay, lumang pako
Dating gimik na inibang-anyo
Bagong bote, lumang toyo
Ang laging sawsawan ni Pedro

Pedrong Pako, Gary Granada

the basic clamor of the people during that time is change. “tama na! sobra na! palitan na! sa 20 taong paghahari ni makoy sa malacañan, it seems that the people had felt that a change is needed. niyanig ng malawakang rally ang nabubulok na upuan ni makoy, adding to the pressure is washington’s call for the legitimacy of the marcos government. this lead to marcos’ move to call for a snap election.

sabi ng isang manginginom sa amin “kahit unggoy ang patakbuhin mo, kayang talunin si marcos, ang problema lang kung papayagan siyang umupo.” parang ang sentiment noon is anybody but marcos, this opened up a great opportunity for the oposition. at first, maraming pumosisyon para sa kandidatura, in the end, napagka-isahang itaguyod ng oposisyon ang kandidatura ng biyudang naka-dilaw.

kasama si doy [at ni kris na noo'y mukhang inosente pa] inilunsad ni cory ang infamous “galunggong” campaign, s’yempre pa, hindi mawawala ang theme song na tie a yellow ribbon. cory & the oposition captured the hearts & minds of the people, nabalot ng kulay dilaw ang paligid. ang dating kuyom na kamao na itinataas sa langit ay napalitan ng kamay na naka-hugis titik “L” bilang pambangga sa mga kamay na naka-hugis “V”.

masaya ako noon dahil 2 weeks na walang pasok, 1 week before the election tapos 1 week. di ko nga alam kung paano kami nakatapos ng high school, malimit na may suspensyon ng klase lalo na noong last period namin. halos wala na kaming ipinasok nang buwan ng pebrero.

di nagtagal nagbago ang panguluhan, napalitan ang nabubulok na upuan sa malacañan, pero may nabago ba sa buhay natin?

Popularity: 3% [?]

Tags: Uncategorized

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment