maraming nakapansin kung bakit daw manipis ang palad ko, pang-asar nga ng iba e di raw ako nagta-trabaho. di naman ako nagtataka na kahit sanay kaming magkakapatid sa mahirap ng trabaho ng mga bata pa kami, di kumakapal ang mga palat namin, sa tingin ko ito ang dahilan.
i feel weird tuwing dumarating ang taglamig, alam kong magkakaganito na naman ang balat ko sa palad. pumuputok! para daw akong sawa na nagpapalit ng balat, naisip ko nga na dapat yata tuwing winter season ay mag-hibernate din ako! hehehehe!
sabi ng iba kadiri daw! di naman ako nandidiri, syempre parte ng katawan ko yan e, ang nakakainis lang kasi ay para bang walang katapusang pagpilas ng balat ang ginagawa ko throughout the cold season. i am not really comfortable with it.
mas matindi kapag sa
pinkish na talampakan ko umatake ang pagpapalit ng balat, medyo hirap akong magsapatos, numinipis talaga ang talampakan ko. naalala ko nga noong hosto nag-training ako sa japan, sobrang lamig kaya ng winter doon kaya umatake ang pagbabalat, hindi lang sa kamay o talampakan kundi sa kasama pati ang mukha, nagsimula sa lip area hanggang kumalat. the first few days para akong tsonggo matsing unggoy clown na iba ang kulay around the lip area kaysa sa buong mukha!
the thing is, di ko naman ito kinonsulta sa kanino mang doktor, feeling ko kasi normal lang at kakayanin na ng powers ng lotion, pero parang sa ngayon gusto ko nang patingnan, baka naman mayroon akong kailangan inumin o ipahid para naman di na ko parang sawa na tuwing lumalamig ay nagpapalit ng balat.
[tags]derma, sawa, health & wellness[/tags]
Popularity: 7% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














10 responses so far ↓
1 melai // Oct 9, 2006 at 2:29 pm
ay ako man ganyan ..pero hindi manipis ang balat ko …. makapal sobrang kapal dahil sa kalyo lol!! hmmn naghosto ka pala master
2 TK // Oct 9, 2006 at 2:34 pm
hmmm marahil nga lotion lang yan, pero kung ganyan ka nman simula noon malamang normal lang tlga yan, sensitive lang skin mo pag taglamig, malamang naghahanap ng ka holding hands ang iyong kamay at pag tag lamig hehe!
3 jlois // Oct 9, 2006 at 7:13 pm
mas maganda siguro master ikunsulta mo sa dermatologist yan hindi yung nag-seself medication ka para mas sigurado. :):shock::???::cool::roll::lol:
4 ms jones // Oct 10, 2006 at 6:52 am
aww .. mukhang ouchie kapag tinanggal yung balat .. err, friction lang yan . hehe ..
dumadaan! *kaway* God bless..
5 idealpinkrose // Oct 10, 2006 at 7:02 am
hi kuya, buti napadalaw ako dito…nababasa ko na ang post mo…hehehe…
dapat nga siguro punta ka na ng dermatologist kuya, kahit pa normal pero sabi mo nga uncomfortable ka di ba? sige ka pag nangyari ulit yong sa mukha mababawasan ang appeal natin…hehehe…
6 rHo // Oct 10, 2006 at 9:58 am
baka nga naman normal lang yan kuya! di kaya ikaw si Zuma?! yay!! pero syempre… para sure, patingin ka na rin kay Vicky Belo! naks..
7 karmi // Oct 11, 2006 at 1:59 am
ganyan nga cguro kuya kapag malamaig nag panahon.. pero para sure, sundin ang payo ng mga kapwa blogista!
tc!
8 jeniffer // Oct 11, 2006 at 8:22 am
hahaha.. ako din meron nyan ngayon.. waaahh
9 sasha // Oct 11, 2006 at 3:23 pm
normal siguro sayo yan master pero para sure ka ipatingin mo na rin para ma-lessen pagpapalit mo ng balat
10 Reyna Elena // Oct 15, 2006 at 10:06 am
OMG! Ganyan na ganyan din ako! Ni hindi na ako makahugas nang pingganitas at platitones kasi yong aking mga daliri eh nagkakabitak bitak at nagsisimula na actually dahil taglamig na dito samin sa Philadelphia!
Leave a Comment