Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Balik Trabaho

August 3rd, 2005 · 2 Comments

Bagaman at naantala ng kulang-kulang isang oras ang aming byahe dahil umano sa konting problema sa ground equipments ay nakalipad din ang eroplano bandang ika-4 ng hapon (oras sa Pilipinas) ng ika-2 ng Agosto 2005. Humigit-kumulang 8 at kalahating oras ang aming byahe patungong Dammam (Pandaigdigang Paliparang King Fahd). Nakalapag ang aming eroplanong sinasakyan ganap na ika-7 at kalahati ng gabi (oras sa Saudi Arabia). Tumagal ng 30 minuto ang immigration at customs checking at ganap akong nakalabas bandang ika-8 ng gabi dito.

Gaya ng inaasahan, huli na namang dumating ang sundo ko mula sa aming kompanya, halos ika-10 na ng gabi nang ako ay masundo, at ika-11 na nang marating namin ang accomodation. Kahit pagod ay di ko pa rin napigil ang pangangamusta at konting kwentuhan sa mga kaibigan. Halos wala namang nagbago sa mahigit na 4 na buwang pagkawala ko dito. Medyo nanibago lang ako sa init, kagabi ay umabot ng mahigit na 40 antas ng sentigrado ang temperatura dito. Inabot kami ng ika-2 ng umaga sa kwentuhan.

Kahit na puyat at halos walang tulog ay pumasok pa rin ako sa opisina upang ipasa ang aking passport. Eto ako ngayon nagkukwento kahit na medyo homesick, hay naku sige na nga bukas naman uli.

Popularity: 2% [?]

Tags: Buhay Saudi · Corporate Slavery · Personal · Pinoy sa Ibayong Dagat

2 responses so far ↓

  • 1 yendys // Aug 8, 2005 at 3:35 pm

    gudluck rickyboy!!!!!
    god speed

  • 2 pipoy // Aug 11, 2005 at 4:35 pm

    welcome back sa saudi!

Leave a Comment