Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

baran

November 4th, 2006 · No Comments

yesterday i had a chance seeing an iranian film entitled baran, that dvd was lying there for a long time & nobody’s watching it. it is a film by majid majidi, it is entirely in farsi with english sub-title (of course). the plot of the story is simple, a young boys effort to help the woman he adores.

nagsimula ang lahat ng mahulog si najaf, isang afghani mula sa 2nd floor ng ginagawa nilang building. dahil kailangan niyang magpagaling at walang iba pang kumikita sa kanila, ipinasok ni soltan ang anak niya sa construction bilang laborer. dahil hindi kaya ng bata ang mabigat na trabaho, inilagay siya sa magaang na trabaho bilang taga-luto at tagahanda ng tsaa para sa iba pang manggagawa.

ikinagalit ito ni lateeef na siyang dating gumagawa ng gawaing ‘yon, he feels that mehmar is giving favor to the afghans rather than the iranians. kung anu-anong paraan ang ginawa niya upang inisin ang bata pero nanatili ito sa trabaho at pinagbuti pa. natigil ang lahat ng kalokohan ni lateef ng madiskubre n’yang si rahmat pala ay isang babae (baran ang tunay na pangalan), mula noon ay naging mabait at magalang na siya dito.

when the government inspectors have found out that there are illegal afghan workers in mehmar’s payroll, nasisante ang lahat ng mga afghans, dito pilit na tinulungan ni lateef ang pamilya ni baran, maging ang pagbebenta ng kanyang identification card ay ginawa n’ya para lang tulungan ang mga ito. in the end, baran’s family went back to afghanistan.

no doubt that it is a love story, pero litaw din ang social theme nito, ang kahirapang dinadanas ng mga afghan workers na nagpupumilit magtrabaho kahit na may threat na mahuli sila ng mga awtoridad. natatawa ako kapag ang eksena ay ang pagbisita ng mga government inspectors, nagkukumahog na nagtatago ang mga afghans para hindi mahuli.

naalala ko tuloy yung eksena dito sa opisina noong sabado, unang araw ng trabaho after the holidays. hindi naman ako (kami) illegal workers dito, ang problema lang kasi ay ang occupation na nakalagay sa iqama1 namin ay hindi yung trabahong ginagawa namin. halimbawa na lang ang sa akin, aircon technician ang nasa iqama ko pero isa akong clerk sa personnel department.

noong ngang sabado pagkagaling sa isang salu-salo bilang pagsalubong sa eid al-fitr, derecho ako sa aking opisina at nagtrabaho. lumapit ang isang katutubo at nagsimulang magtanong:

katutubo: fein shokool? (saan ka nagta-trabaho?)
master: min hena (dito)
katutubo: esh shokool? (anong trabaho mo?)
master: al-katab (clerk)
katutubo: katab esh? (clerk ng ano?)
master: min idarath kadamath al-moathafin (Employee Services Department)
katutubo: atna’ iqama (akin na ang iqama mo)
master: [inabot ang iqama]
katutubo: atna’ patagath (akin na ang id mo)
master: [inabot ang id card]

after checking, ibinalik naman sa akin ang id at iqama ko, nag-usap sila ng isang staff na katutubo dito. at lahat ng expat na makita ay tiningnan ang iqama at id, later on nalaman ko na taga labor office pala ang katutubong iyon.

wala pa namang problema sa ngayon, pero sigurado akong masisita ng labor office ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. bahala sila, problema na nila yun! basta ako, trabaho lang!

Popularity: 14% [?]

  1. resident permit []

Tags: Buhay Saudi · Corporate Slavery · Daily Rants · Leisure · Pinoy sa Ibayong Dagat · WTF

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment