Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

brand new week

March 4th, 2006 · 5 Comments

[cellphone/alarm clock ringing]

alas-cinco na naman ng umaga, sabado, simula na naman ng bagong linggo. mabigat sa katawan ang paggising t’wing unang araw ng isang linggo, galing sa 2 araw na pahinga kung saan maari kang matulog kahit tirik na ang araw.

di na masyadong malamig ngayon, in fact, mainit na sa tanghali, medyo unpredictable talaga ang panahon dito, malamig sa umaga (14°c), mainit sa tanghali (26°c) tapos malamig na naman sa gabi (around 14°c). may kadalian na rin ang paliligo, although nasanay na katawan kong maligo na walang hot water, mejo tinatablan pa rin ako ng lamig.

mabilisan ang kilos, bago magmumog salang na ng tinapay sa oven toaster, init na ng tubig sa electric kettle. almusal for 5 minutes, kape at sigarilyo for 5 minutes. kailangang mabilisan, by 6:10am aalis na ang bus, mahirap na maiwan, hindi ka importante para hintayin.

naisip ko nga minsan, what drives me to doing this things, wala namang exciting sa trabaho ko. parang laging may hinahabol, laging nagmamadali. swerte na kung sa maghapon may maka-alala sa ‘yo na mag-text o magpadala man lang ng e-mail. umaasa ka na lang na naaalala ka pa ng mga kamag-anak mo.

hay naku! senti na naman ako! trabaho na nga uli! :)

Popularity: 2% [?]

Tags: Buhay Saudi · Corporate Slavery · Daily Rants · Pinoy sa Ibayong Dagat · Talk About the Weather

5 responses so far ↓

  • 1 micah // Mar 4, 2006 at 12:39 pm

    ako rin, ma-senti minsa… hehehe…. pero ok yun ha, nakakabawas din ng stress. taga-san po ba kayo?

  • 2 masterbetong // Mar 4, 2006 at 1:37 pm

    maganda ngang pang-alis ng stress ang pagiging senti paminsan-minsan, dito ako sa Saudi micah.

  • 3 jong // Mar 4, 2006 at 5:32 pm

    hehe.. ayus lang yan masterbetong. hehe magblog ka na lang.. hahaha

  • 4 neng // Mar 4, 2006 at 6:20 pm

    Our Life …

    Every morning wake up,
    thinking of not going to work!
    But we have no choice,
    but to do it,
    so we brush our teeth
    and go to shit!
    Quickly eat breakfast
    Prepare to go to work,
    At work, we work for the whole day
    and seeing someone we don’t like!
    Our closest friend is the PC
    and with the terrible PC (Programming *%#Q)
    we work until feel like dying!
    After working, we still have to finish tones of work!
    Everyday, we always check
    at the calendar and looking forward to Saturday
    and public holidays. … that’s our life!

    thank god it’s saturday … schأ¶nes wochenende…sa akin lang pala!:razz:

    *alias mo pala master eh di Mr. Suave kundi Mr. Senti :lol:

  • 5 melai // Mar 7, 2006 at 9:33 am

    yung pag-ihi mo di mo sinama sa entry lol!

Leave a Comment