Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

bumuga na naman ang alikabok

July 11th, 2006 · 9 Comments

update lang ng konti, nilipat ko na yung plainimages blog ko from i.ph to wordpress.com, nagkaka-problema sa pag-upload ng pix since when they changed to calliope2.

Sandstorm!
kwentong sandstorm naman, ang tindi ng alikabok kahapon bukod pa sa mainit na temperatura, 37°c ang reading kahapon. although maraming sandstorm na ang pinagdaanan ko sa mahigit na anim na taon kong pamamalagi dito, parang kakaiba pa rin ang naranasan ko kahapon. pino ang mga alikabok at masyadong malakas at sobrang init ang hampas ng hangin.

kuha ang mga picture na yan kahapon bago mag 7pm, i don’t know kung ma-a-appreciate n’yo. parang fog kung titingnan pero imbes na hamog, alikabok ang kumakalat sa hangin.

Sandstorm!
ang nakaka-inis nga ay may katagalan pa bago dumating ang bus namin kaya bukod sa usok na boluntaryo kong nilalanghap, may bonus pang alikabok.

normal na ang ganitong klima sa buwang ito, biruan nga namin ay kung kasama ba ito sa kontratang pinirmahan namin. kasama nga yata ito sa kontratang pinirmhan namin, init ng panahon, ulan ng alikabok, pangungulila at maraming pagbabago pa sa kultura, tradisyon at iba pang mga bagay.

ngayong umaga ay ganoon pa rin ang klima, ipinasya kong ikansela na lang ang nakatakdang ensayo ng aming basketball team, mahirap ng magkasakit pa ang mga players namin.

Popularity: 3% [?]

Tags: Buhay Saudi · Pinoy sa Ibayong Dagat · Talk About the Weather

9 responses so far ↓

  • 1 ann // Jul 11, 2006 at 3:11 pm

    Paggising ko kahapon ng mga 4:30pm, kulay orange ang tingin ko sa bintana…ang tindi ng sandstorm. Kapal ng alikabok na lilinisin…

  • 2 karmi // Jul 11, 2006 at 3:17 pm

    hala kuya.. oo nga parang fog lang.. bakit may sand storm? ganyan ba talaga?

  • 3 lojika // Jul 11, 2006 at 3:20 pm

    kahapon naman nakaexperience ako ng some-seconds-earthquake. first time ko un.

    disaster and weather. mga di kontrolado ng tao.

    waw! 6 years ka na pala jan. me ganti naman lahat ng pagsisikap, i believe. ok lang. blessings will come kapalit ng pagtitiis mo!

    gud day!

  • 4 jong // Jul 11, 2006 at 3:59 pm

    woot. naalala ko dati may lakad ang barkada sa alrashid mall dyan sa may dharan. Nak ng pating naglakad ako mula bahay hanggang skul eh hindi ko alam na may sandstorm. Pumasok yata sa baga ko mga sand tapos muntik muntik pa akong liparin haha. Sobrang tag-init nanaman sa disyerto nyan.. tapos sa november lalamig nanaman. sand storm nanaman. hahaha

  • 5 serena // Jul 11, 2006 at 4:14 pm

    kaya pala nawawala si faffi kaddi :lol:

    di dapat pala nakaabaya rin kayo master?:grin:

  • 6 kathy // Jul 12, 2006 at 12:57 am

    …ganyan pala sand storm? di ko pa yan naranasan tsaka wag na lang din hehe :roll: naks si master pala nakaranas na rin ng snow dito sa Japan dati?? o wala ng snow noon kase sabi mo sakura na?

  • 7 tk // Jul 12, 2006 at 10:04 am

    Oo wag nlang kayong mga practice, para di kayo magkasakit…ano nlang ang silbi ng muse kung wala kayong mga players ko!

  • 8 misty // Jul 12, 2006 at 10:10 am

    huwag kang lalabas master lalo pa gutom, baka mabusog ka ng alikabok :grin:. magmask ka at magtalukbong.. tapos magdala ka ng kalawit. ingatz!

  • 9 ms jones // Jul 12, 2006 at 4:47 pm

    THANKS SO MUCH sa greeting mu.. mwah! touched nmn ako.. hehe..

    alam mu, nakakakita rin ako ng ganyang alikabok dito sa manila. pag nasa LRT ako, kita ko tlg magmula vito cruz gang sa monumento yung lawak na yun.. :mad: naku, parang may sandstorm pero.. ibang sand kasi sobrang itim.. with gravel itech! *weh korni*

    nagkakasakit na ko sa alikabok dito sa manila.. :sad: :cry:

Leave a Comment