Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Buriki

January 18th, 2005 · No Comments

Di ko mapigil ang sarili ko na mag-react sa dalawang blog na nabasa ko (Divergent Polesat my hideaway).

This is about the Philippines being a “tiger” economy. I would agree on some points to MELL (That’s her pseudonym), pero parang bitin yata yung analogy. Di lang naman si Makoy ang nagging problema natin kung bakit nawala tayo sa top Asian economy. I would say instrumental lang si Marcos (and the following regimes) to our downfall.

Teka downfall ba talaga?

Pasimplehin natin ang analogy, kung pamilyar kayo sa term naming mga probinsyano na “buriki”. Para sa di nakaka-alam, ang buriki ay yung pambutas sa sako ng bigas, siguro naman may idea na kayo.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay parang sako na bigas na may buriki. Kahit siguro 24 hours mong isalang sa kiskis di pa rin mapupuno.

Bakit ko daw nasabing ganoon?

We have the natural resources, we have the most industrious labor force in the world pero bakit di tayo maunlad? There were industries that was build long time ago, steal, gold, at iba pang mga minerals pero naitanong na ba natin sa atin sarili kung napakinabangan ba natin ito?

Oo naman! Nakinabang tayo sa larangan ng labor, ibig sabihin ang pinakamalaking pakinabang natin sa Marcopper, Benguet Minings at iba pang katulad na industriya ay iyong ibinayad lang sa mga manggagawang nagtrabaho dun.

Wala ba talaga tayong kinita doon?

Meron siguro pero like what I’ve said, siguro nga sahod lang ang pinakamalaking bahagi. Siguro naman narinig n’yo na ung Bell Trade Act o ung mas kilala sa tawag na Parity Rights. Para sa di nakaka-alam, eto po ung regalo ng kano sa atin after nila tayo ”palayain” mula sa kamay ng mga Hapon. Sabi kasi d’yan, parehas daw na may karapatan ang Kano at Pinoy sa likas na yaman ng Pinas. Hmmmm…. Teka lugi yata tayo jan ah. Oo naman no! E ala kaya tayong technological capabilities noong mga panahong iyon, sila lang ang may kayang maghukay ng tunnel sa mga bundok kaya sa kanila ang ginto. Ang galing di po ba?

Maaring napapangiti kayo o natatawa sa presentasyon ko ng mga katotohanan, I just want to add a little humor on a very serious issue. Yes! Anti-American domination ako, iba po iyon sa pagiging anti-American. Parity Rights is just one of the many one-sided treaty na isinubo sa atin ng mga kano. Marami pa, these are instrument para manatili tayong naasa sa kanila.

Sina Aguinaldo, Quezon, Osmena, Laurel, Roxas, Quirino, Magsaysay, Garcia, Macapagal, Marcos, Cory, Eddie, Erap at Gloria ay instrumento lamang sa pagpapanatili ng kapangyarihan nila sa ating bansa.

Don’t worry, di naman tayo lang ang ganyan. Marami pang bansa ang pinagkukunan nila ng kayamanan upang ipanatili ang kanilang kapangyarihan.

Popularity: 5% [?]

Tags: Pilipinas · Point of View · Politics & Economy

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment