Sabi ni Gloria di daw kontra-mahirap ang karagdagang VAT, simple lang ang dahilan n’ya kasi inalis na daw ang sardinas at noodles sa listahan ng mga produktong papatawan ng VAT. Yahoooo!!! Ang saya-saya no! Kasi at least sensitive sila sa mga kababayan nating mahihirap at alam nilang sardinas at noodles lang ang kayang bilhin ng mga kababayan nating naghihikahos.
Haller! Nakatung-tong po ba ang paa ng kagalang-galang na pangulo sa lupa? Ang labo naman ma’am, wag na po nating lokohin ang taong bayan. Alam naman po natin na ang pinakamadaling kolektahing buwis ay ‘yung tinatawag na direct-taxes, tulad po ng sahurang manggagawa, di pa n’ya nahahawakan ang P250 kada araw n’ya ay kinakaltasan na ito ng buwis. Gayundin ang sa mga produktong accessible sa tao, dito siguradong kumikita ang pamahalaan.
Siguro naman sariwa pa sa ala-ala natin ang P25B tax evasion case ni G. Lucio Tan na matapos basbasan ni Pangulong Erap ay himalang nawala.
Simple lang po ang analohiyang dapat nating gamitin, hindi po tayo makakahuli ng malaking isda kung ang tagang gamit natin ay nakalaan lamang para sa maliliit na isda.
VAT is meant to tax the people in general, hindi lamang mahihirap, kundi ang karaniwang mamamayan, mahirap man o nasa panggitnang uri. Ang karagdagang buwis na idadagdag sa mga negosyante sa anyo ng mga raw materials ay babawiin din nila kapag naibenta na nila ang produkto, at sino ang papasan ng patong-patong na buwis na ito. Tayo, mga karaniwang Juan dela Cruz.
Buwis is it na buhay to oh! Tayo na lang palagi!
Popularity: 6% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 yinsu // Jan 28, 2005 at 8:14 am
hi, thanks sa pag post sa site ko. kainis ang buhay dito sa pinas ano? sakit sa ulo. grrr.
2 ella // Feb 29, 2008 at 5:43 pm
pwede bang lagyan din ninyo ng uri ng buwis at ibisabihin nito
Leave a Comment