Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

christmas dinner

December 26th, 2005 · 2 Comments

sayang wala pa akong camera, kahit man lang cameraphone lang. dapat sana nakunan ko ng piktyur ang napakasarap kong christmas dinner. sa totoo lang tinamad na naman akong magluto, ano pa nga ba ang bago? so what i did is think of a meal na maalala ko ang pinas, wala namang hamon dito, meron man nakalata. hmmm… check ko muna kung ano meron sa aming makeshift na kusina. ngek! bahaw1 lang ang naandoon. anak ng tipaklong, napa-inom na naman ang ka-kwarto ko kaya di nakapag-saing, duty n’ya ang magsaing pag gabi! isa na lang ang solusyon sa problema ko.

takbo agad sa tindahan bitbit ang aking credit card2, kuha ng itlog, bawang at syempre longganisa. prito ng itlog tapos longganisa at sinangag ko ang kanin and the result, long-si-log, parang budget me diba? with matching suka & ketsup mix para sawsawan ng longganisa, coke para na rin akong nasa hidden tapsi n’yan.

sayang walang pandesal sa tindahan kagabi, dapat kasi pa-kap-log [pandesal, kape at itlog] ang almusal ko. :P

Popularity: 2% [?]

  1. kaning lamig []
  2. karton ng yosi na ginawang listahan []

Tags: Uncategorized

2 responses so far ↓

  • 1 marlboro // Dec 26, 2005 at 3:08 pm

    pwede bang mag-almusal dito? mukhang masarap yan ah!

    pero mas masarap kung si Bong R. ang nagluto.

    ok na sa akin ang kape at yosi!

  • 2 sydney // Dec 29, 2005 at 11:54 am

    pa-kap-log? hmmmmmm sarap nga yan..

Leave a Comment