pauwi ang bida mamayang 4am pauwi ng pinas together with 7 other pinoys. as of my last count 19 ang nag-file ng bakasyon pero 8 pa lang ang naka-schedule para umuwi.
dahil nga magpapasko, marami ang gustong magbakasyon. pero sa kompanya namin, hindi ganoon kadali ang umuwi ng disyembre. marami kang pagdadaanan bago ka makasakay sa sasakyang pang-himpapawid at makababa sa pandaigdigang paliparan ng ninoy aquino.
manpower supply ang business ng kompanya namin, as usual, gustong i-secure ng company ang in-flow ng pera. dito nagkaka-problema ang gustong magbakasyon. kailangan pa kasi ng kapalit bago tatakan ng exit - re-entry visa ang passport mo. kapag walang kapalit, walang bakasyon. depende rin sa trade, kung may available na mapower sa trade mo madali lang pero kung wala, maghihintay pa ng may mabakante bago ito ibigay sa iyo.
eto pa, dahil nga peak season, ang hirap ding kumuha ng slot sa mga airline. parang lahat gustong maka-uwi. tumataas din ang presyo kapag ganitong panahon, ibig sabihin tumataas din ang cost para sa kompanya.
siguro nga likas na sa atin ang kagustuhang makasama ang pamilya sa araw ng pasko. kahit na napakalaking gastusin ang manatili sa pinas twing pasko marami pa rin ang may gusto. naiisip ko tuloy na ano ba meron ang pasko?
pareho din lang naman ito kahit anong araw ka umuwi, para sa akin mas enjoyable ang bakasyon ng summer, maganda ang panahon at walang pasok sa iskwela.
ang kultura ng pasko ay malalim ng nakabaon sa kukote na natin. hindi na lang ito tungkol sa relihiyon tinuhog na rin nito ang kultura at ekonomiya natin. what was once a religious event is now an economic chaos that burdened everyone.
for sure maraming sasakit ang ulo pagkatapos ng pasko, e ano naman sabi ng iba.
Popularity: 4% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














3 responses so far ↓
1 arn // Nov 22, 2005 at 5:59 pm
MasterBetong,
Ni-link kita. Thanks for visiting my site. Kailan uwi mo? Ako matagal pa - 2 years na akong walang Xmas sa Pinas. Di bale….baka sa susunod. You have a great blog! keep it up.
2 jong // Nov 24, 2005 at 12:36 am
lapit na pala magpasko. Nung mga panahong nandyan pa kami eh hindi kami nauwi tuwing pasko. gastos lang hehe, magkakasama naman kaming buong pamilya except lang sa ate ko na college na noon. pero sympe taon taon kaming nababawasan dahil nagcollege narin sila. hangang ako na lang. tapos un. pero never kaming umuwi ng pasko sa pinas kase nga si papa eh hindi rin yata pwde kapag pasko. o sadya lang na summer vacation ang ideal vacation ng pamilya. bakasyon kse mga tao sa pinas at sympre un lang hehe…
3 masterbetong // Nov 24, 2005 at 12:40 am
para sa akin it doesn’t matter kung anong petsa ako uuwi, ang mahalaga maka-uwi. last year nga december 17 ako umalis ng pinas e. ayus diba?
Leave a Comment