tinambakan kami ng 19 na puntos, parang hindi sila marunong magmintis ng tira. malakas ang team na nakalaban namin kagabi, laglag na ang balikat ko, parang walang epektibong formula para talunin ang team na ito.
handa ko ng tanggapin ang unang pagkatalo, sa tuwing makakalapit kami ng 3 puntos, aarangkadang muli ang kalaban at palolobohin ang lamang sa amin. nasa isang sulok ako, hithit ng hithit ng sigarilyo, “ano nga ba ang kulang?” paano ba namin makukuha ang kalamangan.
limang minuto bago matapos ang laro ng makalamang kami, ikalawang kalamangan namin ito, ang una ay maibuslo ni kaka ang unang point sa laro. hindi na namin ito pinabayaan, subalit mahusay talaga ang kalaban, lumamang sila 88-86 sa huling 16 na segundo ng laro. 13 seconds ang natitira ng matawagan sila ng “unsportman-like foul” na nagbigay ng 2 free-throws at ball possession, nai-shoot ni rene ang 2 free-throw pero di namin nai-convert ang ball possession kaya umabot sa overtime.
i said to my self, “amin na ito” and nakuha nga namin ang game at 101-94 sa overtime period. iba siguro ang spirit ng team namin, we want to win each & every game. this game is our 6th win as a team, 4th sa da’awah tournament. next game will be on monday sa juba tournament against gm avalanche, pareho kami ng standing at 2-0, who will remain unbeaten? abangan…
Popularity: 5% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














3 responses so far ↓
1 karmi // Aug 12, 2006 at 1:03 pm
another win kuya?
aus!!! iba talaga ang team nyo!! galing…
congrats ulit!!
2 tk // Aug 12, 2006 at 1:13 pm
Aba aba Coach ibang level na ito! kaka excite tlga! i love watching ball games, mga player din kc mga kuya ko n i do always cheer for dem, kung anjan lang ako il definitely cheers for u guys para mawalan ng concentration mga kalaban.. heheh! im happy for u and ocngrats agen!
3 ann // Aug 12, 2006 at 7:54 pm
Parang bibilib na ako sa team nyo..sayang wala ka sa blow out ko sa inyo….congrats ulit.
Leave a Comment