Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

cooler heads must prevail

May 22nd, 2006 · 4 Comments

overall, maganda ang nilaro ng team namin. 9 of the listed player suited up to play, medyo ok na daw pakiramdam ni niko kay naglaro na rin siya.

as always, malakas na naman ang simula namin, we started out with a 10 - 2 blast after the initial tip-off, bumigay na naman ang paa ni niko kaya pinagpahinga ko na lang siya. advice ng tropa na wag na lang piliting maglaro baka magkatubig pa, mas malaking problema yun.

they have the control of the game up until the last 4 minutes ng 3rd quarter, muli naming naagaw ang kalamangan bago magtapos ang 3rd quarter.

medyo nagka-initan ng konti, muntik na mapa-away si deks laban sa isang player ng katunggaling team. medyo nagkasikuhan sa ilalim at sa sarili kong opinyon masyadong pinersonal ng kalaban ang konting tulakan sa ilalim. ang problema, maraming sulsol, even one of the coaching staff ng katunggaling grupo, salita ng salita. i don’t see any good thing about it, sana kasi di na lang sila nagsalita to lighten up the tension between the players on the court.

medyo mainit na rin ako, thank god dahil 28°c lang ang temperature kagabi. but i was worried when matt stood up at akmang aatake, with a built like him, mahirap siyang pigilan at baka lalong mag-init ang labanan. with the intervention of the referee & the committees (bro. yusuf, eisa, sulaiman & abdulziz) napigilan naman ang anumang masamang insidenteng pwedeng mangyari.

it was a big win for us, not just because of the big margin (100 - 84), that win brings us to solo 2nd place sa aming bracket (b) which means makakalaban namin ang ang 3rd place sa bracket d.

ernie as always leads the team in scoring with 34 point, 17 points para kay ymbeth, 12 points each para kay alan, deks at doms (na nag-graduate sa 3rd quarter, matt contributed 6 points, diego with 4 points & ariel with 3.

ang masakit, palpak na naman ang sasakyang kinontrata ni deks, meaning hindi kami sinipot, walkathon (salamat sa 28°c na temperature kaya di masyadong mahirap maglakad) na naman ang drama ng team. we stopped by pansitan restaurant to eat our dinner midnight snack, shawarma & halo-halo ang menu.

twice in a row, 2 ulit na ring muntik ng mapa-away ang tropa sa laban. sana lang di na magka-ganoon sa susunod.

[tags]basketball, sports & recreation[/tags]

Popularity: 5% [?]

Tags: Buhay Saudi · Friends · Leisure · Pinoy sa Ibayong Dagat · Sport Minded

4 responses so far ↓

  • 1 ann // May 22, 2006 at 2:17 pm

    Magandang manood ng basketball sa IPSA, comedy..hehehe.. Dapat wag masyadong mainit ang ulo, laro lang yan eh , libangan para sa mga homesick na OFW. Puro pinoy ba kayo?

  • 2 kisses // May 22, 2006 at 4:45 pm

    congrats coach!
    nanalo dahil di nagpatuloy sa paglaro
    ang MVP ninyo, buti na lang :lol:

    ano ba yan, dapat sana mag-enjoy lang sila!
    nakakalimutan yata ng iba ang ibig sabihin ng
    “sport” :roll:

  • 3 machoKOH // May 22, 2006 at 9:21 pm

    gudluck po sa next game.
    basta sa isang laro… natawa ang lahat ng may sumigaw ng…
    “tanga! ipasa mo sa ref.!” nyahahaha…

  • 4 masterbetong // May 23, 2006 at 12:33 pm

    @ann, yeah all-filipino tournament ito.

    @kisses, malabo ng maging mvp kasi 3 games na na-miss nya! hehehehe :twisted::lol:

    @machoKOH, salamat sa june 2 pa next game.

Leave a Comment