dalawang taon na ang nakalipas simula ng tipahin ko ang keyboard ng computer dito sa opisina ko upang mag-blog. makalipas ng dalawang taon, 375 entries, 798 comments, 2 domains at maraming kaibigan na nakilala.
hindi ko inakala na tatagal ako ng ganito, hindi naman kasi natural sa akin ang mag-open ng buhay ko sa ibang tao, ni hindi ko naging ugali ang gumawa ng tala ng buhay ko (diary). marahil ang kalungkutan at ang pakiramdam ng nag-iisa ang nagtulak sa akin upang kausapin ang aking sarili sa pamamagitan ng blog, ang pag-asa na may makakabasa nito at makaka-relate sa mga bagay na nararamdaman ko.
para sa akin, isa itong outlet, isang kaibigan sa panahon ng kalungkutan at pangangailangan ng pagdamay. salamat sa mga taong naka-unawa, nakiramay, nakibasa, nag-comment at naging bahagi ng blog na ito.
aasahan ko ang patuloy n’yong pagdalaw at pagsama sa mahaba pang paglalakbay ko.
[tags]blogging, anniversary[/tags]
Popularity: 3% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














8 responses so far ↓
1 kisses // May 13, 2006 at 4:52 pm
ej, hapi-anniversary master! layo na pala narating mo:cool:
ala bang tagay jan?
2 jong // May 13, 2006 at 5:26 pm
naks. ako magiisang taon palang. hehe
cheers!
3 ann // May 13, 2006 at 10:15 pm
two years ka na pala master, happy anniversary! Sa friday ba ang blow out?
4 masterbetong // May 14, 2006 at 12:29 pm
@kisses, mejo malayo-layo na rin ang narating, pero parang walang naabot. hehehehe!
@jong, advance happy anniversary sa u.
@ann, sige sa friday ang celeb, sagot namin ang kanta, bahala na kayo sa huli.
5 kneeko // May 14, 2006 at 12:49 pm
ambilis ah… happy anniversary sa inyo master & betong.
6 melai // May 15, 2006 at 9:58 am
happy anniv
7 sirena // May 15, 2006 at 5:19 pm
EB na naman kayo?
8 jepaperts // May 16, 2006 at 4:38 pm
medyo nahuli ako ng pagdayo… happy annib sadiq!
Leave a Comment