Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

day 2: donut time + party people

October 20th, 2006 · 3 Comments

my second started with a text from my labs, pasado alas-dose na ng hating-gabi ng maghiwalay kami sa chat. past 8 nang matanggap ko ang text n’ya, di n’ya na-adjust ang work sked n’ya kaya chat daw kami morning time, so i prepared & went to the cafè, nag-usap kami until 12nn. ang hirap pag magka-ibang time zone, sampung oras ang diperensya namin, but we have to live with it until dumating ang time na magkasama na kami.

pagdating ko sa bahay inabutan ko ang pinoy electrician na nag-repair ng 220v line namin. matagal ng problema namin yun, isa lang kasi ang 220 line sa bahay & napaka-inconvenient na kailangan pa naming maglagay ng extension line.

i spent the rest of the afternoon watching die hard 2, sensya na bruce willis fan talaga ako e. then at 5:30 it’s time to run, second day ng aking fitness program, i ran & walk the same route pero dinagdagan ko ng konting distance, gradual naman ang ginagawa kong pagdagdag. pagdating sa bahay, naligo, naghandang lumabas to grab some electric supplies, sinadya ni manong na ibahin yung outlet namin para fool proof, meaning kailangan kong palitan yung plug ng hot plate at rice cooker. while preparing myself, nakatanggap ako ng call.

galing sa isang tropa, the previous night kasi inimbitahan niya akong maki-join sa isang party. hindi ako nagpunta dahil nga may skedyul kami ng chat ni labs.

caller: bakin ga di nagpunta kagabi?
mb: di ga sabi ko’y kapulong ko ang aking giliw.
caller: ay siya, kandahintay na kami dine e
mb: gay-on ga? ay dapat unahin are at baka ma-asbaran kita.
caller: ay oo nga. kainam utoy, mga naka-t-back ang lintek
mb: ay hahanggang tingin ka na lamang naman, mahirap at baka mahambalos ka ni ineng
caller: yun nga lamang. andine kagabi yung ipakikilala ko sa iyo.
mb: naku delikado ang iyong yan! baka makatay kita.

matagal ng gusto ipakilala sa akin ang isang nars, katulad ko at katulad ng maraming pilipino dito, nangungulila din at naghahanap ng kaibigan. hindi naman sa nagmamalinis ako, sa totoo lang, wala naman akong karapatang magmalinis, i’ve been there & i’ve known how futile that life is. hindi ko rin idadahilan ang moralidad, wala akong karapatang magsalita kung ano ang moral at hinde. simple lang ang dahilan kung bakit hindi ko pinatulan ang pain, hindi ko na kayang sirain pa ang tiwalang ibinigay sa akin.

Donut
matapos ang usapan sa telepono, ipinasya ko ng umalis, malapit na uli ang oras ng dasal, mahirap na abutan dahil saradong lahat ang tindahan sa oras na iyon. ipinasya ko na lang na dumaan sa malapit na donut shop. ito na lang ang hapunan ko, isang donut at isang tasang kape. walang dunkin o kaya naman mr. donut dito sa jubail kaya house of donuts na lang ang inupakan ko.

di naman dahil sa diet ito, di ko lang feel kumain ng kanin ngayon, isa pa pagod na rin ako sa haba ng tinakbo ko, what i really need to do is to buy the things i needed to replace the outlets & update this blog & at the same time check my other site (Pinoy Web Listing Project).

mayroon pa akong pitong araw na natitira sa holiday. wala naman sigurong pagkaka-iba, i don’t have plans of leaving the city, ala sa budget ko ang ganoong lakad. abangan n’yo na lang ang susunod na kabanata.

[tags]holiday, health & wellness, donut, party people[/tags]

Popularity: 12% [?]

Tags: Buhay Saudi · Food Trip · Holidays · Pinoy sa Ibayong Dagat

3 responses so far ↓

  • 1 mics // Oct 21, 2006 at 1:42 am

    abangan ko na lang susunod na kabanata… hehehe

    tsaka it’s your vacation… enjoy lagi d ba?

  • 2 jong // Oct 21, 2006 at 2:40 am

    naks naman… puro labs a. napakaloyal ni master. hahah

    Anyway, yong donut ng mapadayo kami ng riyadh eh sobrang dami ng binili namin na dunkin donut. dun lang yata meorn eh hehe.. pero dito sa pinas ang dami.. wahaha baliw

  • 3 melai // Oct 22, 2006 at 1:35 am

    ibang klase pala pag nagkakausap kayu ni labs mo humahaba entry mo lol!!

Leave a Comment