day 5 (23.10.2006)
dalawang gabing chatting marathon kami ni labs, this time 10 hours ang tinagal ng chat namin. weekend kasi (niya), free siya sa umaga & since wala naman akong pasok kaya sa gabi (dito) ang chat namin.

medyo mahirap i-sustain ang 2 araw na puyatan kaya i asked a little help from a friend, isang bison energy drink bago magsimula ang aming “deyt” ang nilalaklak ko.
bakit hindi red bull? dios mio ang mahal ng red bull, 5 riyals ang isa samantalang 2 riyals lang ang bison. hehehehe! pagbigyan n’yo na ako, minsan lang ako mag-kuripot.
halos buong araw din akong natulog, from 10am to 4pm, kutsinta lang ang kinain ko sa almusal, walang tanghalian. ganyan talaga ako, hirap akong kumain kapag puyat.
5:30pm nagyakag ang tropa na maglaro ng basketball, sumama ako kasi naisip ko na mabuti na ring maiba ang routine ko sa fitness program. nagpunta kami (deks, doms, kabise & matt) sa kampo para maglaro ng basketball, i was not prepared to play the game kaya kalahating laro lang ang nilaro ko, mahirap na mapwersa.
tapos ng laro, tsibugan time, naghanda ang tropa (sa kampo) ng pritong tilapia para pagsaluhan namin habang nanonood ng eat bulaga sa gma pinoytv. by 10pm naka-uwi na kami, mejo mahirap para sa akin ang matulog kasi nga buong araw akong tulog.
day 6 (24.10.2006)
nagising ako around 9:30am, isang good morning (evening) text kay labs then prepare ko na ang labahin ko, tumawag si labs habang nagsasalang ako ng labahin.
habang naglalaba, isinilang ko na ang sinaing at nagluto ng fishball na nabili ko sa kadiwa. natapos akong maglaba just in time for lunch.
ayokong matulog kaya ito ang pinagka-abalahan ko. yes dear readers sa maniwala man kayo o hinde, marunong po ako n’yan. i started this hobby in 1998 impluwensya sa akin ng isang kaibigan, my first project was great wall of china (1.5 meters ang haba) now hanging sa sala ng bahay namin sa pinas.
my current project is entitled horses wild & free dala ko pa ito noong dumating ako dito last year (02 august 2005), nasimulan ko na sa pinas pero napabayaan ko nang makarating na ako dito. may kahirapan ng konti ang project na ito, mostly green ang mga thread na kailangan. saka kinalawang na yung karayom ko! hehehehe! tagal kasing hindi nagagamit e.
malamang na ito na ang pagka-abalahan ko hanggang matapos ang holiday.
Sponsored link: Neil Crespi
[tags]energy drink, basketball, cross-stitching[/tags]
Popularity: 9% [?]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















2 responses so far ↓
1 ann // Oct 25, 2006 at 12:06 am
Meron akong ganyang design master, kaya lang di ko na natapos, kung tatapusin ko pa hindi ako sure, sakit sa mata eh.
2 rHo // Oct 25, 2006 at 6:33 pm
huwaw… tinan mo nga naman, marunong ka pala nyan!!! galing-galing!! hehehe…
Leave a Comment