Nakatulala ako habang binabagtas ng aming bus ang kahabaan ng Tareeq 101, bandang alas-4:30 na kahapon ng biglang mag-ring ang aking telepono.
Bida: Mr. Tutz, san ka na?
Tutz: Pauwi na ko, nasa bus na.
Bida: Punta tayo sa bayan mamaya, meeting daw tayo tungkol sa team.
Tutz: Anong oras tayo alis
Bida: 5:30 siguro.
Tutz: Sige online lang ako saglit.
Isang oras lang ako nag-online, nagpalipas lang ako ng oras, medyo toxic ang araw ko sa opisina. Ang dami kasing nawalang dokumento, nung tanungin ko ‘yung pumalit sa akin habang nasa Pinas ako ang sabi, “and’yan lang yan, hanapin mo lang”. Tang-ina o! Kung andito ‘yun para pa ba hanapin ko.
Umuwi ako at nagbihis, tuloy na kami ng bida sa bayan, alas-6 daw ang oras ng tagpuan sa SA (Sariling Atin Resto). Tulad ng dati nauna na naman kami, kaya namili muna kami ng bintana [window-shopping]. Tumingin ako ng digital SLR Camera, medyo nagmura ng kaunti, pero ala naman akong pera kaya sa susunod na lang siguro ako makakabili.
Ganap na alas-6:20 ay oras ng pagdarasal ng mga kapatid nating Muslim kaya sarado ang lahat ng tindahan dito, lumabas kami ng Bida at nagtambay sa labas habang nag-sisigarilyo. Sumunod na dumating si Kabise, tapos si Matt, si Deks pasaway talaga, ang usapan doon sa SA ang tagpuan, sukat ba namang umuwi pa at dahil nga bingi hindi marinig ang tawag namin.
Kaya ang kinalabasan sa Pansitan kami kumain, my god! Cholesterol na naman! Spare Ribs ang inorder. Habang kumakain, dumating sina Irwin, Bien at Neil. Tapos kumain ay nagtuloy kami sa inuupahang apartment nila Irwin at Matt, doon kami nagpulong ukol sa tinatayo naming Basketball Team na lalahok sa paliga sa Jubail Port.
Whew! Alas-10 na kami naka-uwi ng Bida, dahil doon, di ako nakapagluto ng pambaon ko ngayon, di ako nakapunta sa doktor para ipasuri ang aking tainga at di ako nakapaglaba. OK lang naman kasi naging makabuluhan naman ang punta ko doon, nagkita uli kami ng mga tropang di ko nakita ng matagal.
Popularity: 2% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














0 responses so far ↓
There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.
Leave a Comment