Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Death vs. survival

November 23rd, 2004 · No Comments

I woke up one day and I heard one TV newscastter reporting about the violent dispersal of the striker’s in Hacienda Luisita. OK what’s new? Well only six strikers were killed, hmmm… this number will just add to the statistics, another batch of workers dying in quest for survival.

Replay na lang yan. Sa kasaysayan ng mundo, makikita ang madugong pagtugon na kapital sa problema ng manggagawa. Maging ang tinatamasa nating 8 oras ng pagtatrabaho ay pinagbuwisan ng dugo ng mga manggagawang nauna na sa atin (read more).

Marami pang karahasan ang ipinatupad sa mga manggagawa. Sa kaunting kahilingan na mabuhay, ang madagdagan ang kakarampot na kinikita nila sa maghapong pagpapakahirap. Ang paghingi ng konting bahagi ng tinatamasa ng kapitalista sa kanilang pinagpaguran.

Hacienda Luisita workers were just asking for what is being taken out of their table. The money that is being spent para sa luho nila, sa pagbili ng bagong kotse at iba pang luho, imbes na ibahagi sa mga taong nagbibigay sa kanila ng ganoong kayamanan.

I just hope na di mabale-wala ang sakripisyo ng mga manggagawang ito. Yes, they can do those things to us, they have the power. But let us not forget that we have the majority, tayo ang nakakarami, tayo ang lumilikha ng yaman. Di lang tayo nagkaka-isa, ang linya mismo natin ay watak-watak. Mas magaling daw ang KMU kaysa sa BMP, e dati naman magkasama. Paano tayo mananalo mga kasama? Sabi ni Marx, “Worker’s of the world unite” hindi “fight each other.”

Masakit mang sabihin pero di ko nakikita ang tagumpay ng mga manggagawa sa ganitong kalagayan. Lalo lang lumalakas ang loob ng mga “kaaway” dahil hiwa-hiwalay tayo.

Popularity: 3% [?]

Tags: Pilipinas · Point of View · Politics & Economy

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment