about 4 months ago, may natanggap akong offline message sa ym ko, “kuya, andito na ko sa dubai, dumating ako 2 weeks ago”. Naisip ko bakit kailangan pa n’yang umalis ng Pinas, may maayos siyang trabaho doon, besides she’s still single.
sa irc ko din siya nakilala, about 2 years ago, sa sobarang kulit ko sa #cavite, lagi akong nasisipa & isa siya sa may pinakamaraming beses na ninapa sa akin palabas ng room. i was able to meet her when i went on vacation in october of 2004, ok naman siya kausap, parang nakapulot ako ng nakababatang kapatid kung makatawag ng kuya.
after i left the country in december 2004, minsanan na lang kami kung mag-usap, i guess time difference is the main factor.
2 days ago, home alone ako so i decided to go online. inabutan ko siya na naka-online, nag-usap kami.
she: kuya andito na ko sa dubai.
mb: ano sumaksak sa utak mo at nagpunta ka jan?
she: kuya naman, wag ka na manermon, uuwi na nga lang ako e
mb: at bakit? kumati tiyan mo? na-homesick ka? di ka man lang nanghinayang sa ginastos mo
she: hindi naman. ang hirap kumuha ng trabaho, matatapos na ung visit visa ko
mb: e di mag-exit ka sa iran, pwede naman un diba?
she: nagawa ko na yun last march, matatapos na uli sa june
mb: paano ka nabubuhay jan? saan ka nakatira
she: nakikitira ako sa isang kaibigan, ubos na nga ang dala kong pera.
mb: di ka pa nakakapag-trabaho
she: nakapag-trabaho na rin, pero ang baba ng bigay, 1,200 ang basic, 400 ang allowance tapos libre sasakyan
mb: mababa, pero ok na rin yan. at least mababawi mo yung ginastos mo
she: iniisip ko nga rin yan, kaya lang mejo magastos dito kuya
mb: tiis lang naman ang nag-a-abroad
she: oo nga e.
mb: teka, wag mong sabihing nag-resign ka sa work mo para lang pumunta ng dubai
she: hindi, na-declare na redundant ‘yung position ko, kay nag-offer ang company ng early retirement, wala na kong magawa, tinanggap ko na lang
mb: ibig sabihin yung separation pay mo sinugal mong lahat jan?
she: ganun na nga, tangay pati savings ko
around 9:30pm (10:30pm dubai time) nagpaalam na siya, kailangan daw maaga silang mag-walk-in kinabukasan. honestly, muntik na rin akong matukso na pumunta ng dubai, may kasamahan ako sa simbahan na nagyayakag sa akin. same thing, visit visa, hanap ng work, pag meron swerte, pag walang nakita, sorry. nang sinabi nyang ko yung 1200dhs ang offer, sabi ko pwede na yun, ganoon lang kaliit ang unang sweldo ko (libre pagkain, transpo at accommodation) dito sa saudi. siguro ang advantage namin dito is that wala ng extra costs, walang gimikan, walang sine at iba pang pwedeng pagkagastusan. a small amount of money earned for such a big sacrifice.
i just hope na makakita siya ng work, sayang naman ang ginastos niya.
Popularity: 4% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














9 responses so far ↓
1 soul_seeker // May 11, 2006 at 3:58 pm
“Tiis lang naman ang nag-a-abroad.”
–Hay…sinabi mo pa!
Sana makakuha ng trabaho ang kaibigan mo. Good luck sa kanya
Ingat po!
P.S. Salamat sa pagdaan sa blog ko. Sige, link exchange tayo. I already linked you up.
2 kneeko // May 11, 2006 at 6:12 pm
dubai na naman ah… ano kaya?:roll:hmmm
3 micah // May 11, 2006 at 8:34 pm
dubai? marami akong kakilalang nagpupunta ng dubai? sabi nila maganda daw doon.
musta na po master?
4 delish // May 12, 2006 at 10:30 am
yung kapatid din ng bestfriend ko ganyan, umalis sa matinong trabaho para makipagsapalaran sa dubai… hindi naman makahanap ng trabaho…
minsan, elib din ako sa tatag ng sikmura ng kayang makipagsapalaran…ako, masyado ko atang mahal yung may sarili akong kama at kwarto… siguro nga hindi ako yayaman dito, and totoo namang limited ang kayang ibigay ng gobyerno satin ngayon… pero nakakalungkot talaga yung mga ganyang kwento…
5 machoKOH // May 12, 2006 at 1:37 pm
ate ko balak din yang mag Dubai pero pinigilan namin sya kaya naisipan nalang ng ama kong seaman na isama sya sa barko. ayun, isa na syang bar waitress at ang laki ng kinikita nya. stig!
malapit na syang umuwi… nakakamiss… chatter ka pala. hehe.
6 ann // May 13, 2006 at 4:25 am
Napakaraming pinoy ngayon ang tambay sa dubai.Sayang yung gastos nila pagpunta run. Walang makuhang trabaho.
7 filipino360.wordpress.com // May 21, 2006 at 9:25 pm
If you are planning to work in Dubai, make sure that one has already a work contract.
Do not go there as a tourist hoping to find work and you will find yourself stuck.:cry:
8 mariel sharma // Nov 16, 2008 at 9:25 pm
Dubai??naku!!!hirap mamuhay d2…mahal na lahat ang dating tag 1 dirhams na sardinas now how na???2 na!!!it means 28 pesos cya!!!may work na nga ako d2 but im still looking for FREEZONE companies kasi pag na resign ako d2 mababann ako then ung comapy ko now which is SHAPOORJI PALLONJI MIDEAST LLC na 141 years in service na!!!DI sila nag rerelease ng NOC kaya FREEZONE ang sagot sa lahat!!!…haaayyzzzz…lahat ng taga samin puro FREEZONE ang hinahanap…..
9 crace // Nov 24, 2008 at 9:54 pm
kahit saan tayo pumunta dubai man or anywhere as long as visit pass talagang sumusugal tayo sa buhay. kung andito ka lang din sa pilipinas ganun din sumusugal tayo sa hirap.
Leave a Comment