Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

extra-ordinary bertdey

December 24th, 2006 · 5 Comments

hmmm… bago ang kwento, magpapasalamat muna ako sa mga taong naka-alala ng aking kaarawan. first to greet was TK, december 22 pa lang nag-greet na, kay jong, KD (thanks for the call sir, i felt better after that) & Ann (sorry di ako nakapunta sa bertdey ni tin2 alang sasakyan e), fiona, the 2 people i don’t know chris & bert & syempre kay labs, thanks for being there during the times of uncertainty, sa mga klasmeyts, syempre pamilya ko who never failed to make me feel better. at salamat din sa mga hindi bumati, malamang hindi nila alam o nakalimutan lang. :P

- o - o - o - 0 - o - o - o -

ok after the acceptance speech, este, sa aking thank you speech pala, kwento ko kung anong kakaiba sa bertdey ko. i woke up late, di ko na kasi kailangang pumasok sa work pero kailangan kong mag-report sa opis namin para i-surrender ang id, i went to the opis bandang 10am & went home at 11am for lunch, nag-ikot-ikot ng konti.

i had watch 2 films na di dapat panoorin ng mga taong sasakay sa eroplano, both films shows plane crashing to the ground! hehehehe! but i enjoyed watching broken arrow & flight of the phoenix. bandang 4:30pm nainip ako kaya nagpunta ako sa cafè para magbasa ng mga comments at makapag-ikot na rin sa mga blogs. malapit na ang panghapong dasal kaya nagmamadali ako, baka biglang magsara ang cafè medyo matagal akong maghihintay.

in short nakapasok ako at ilang minuto lang ay nagpatay na ng ilaw, senyales na isinagaw na ang tawag sa panalangin. enjoy na enjoy ako sa pagbabasa hanggang muling bumakas ang ilaw, naisip kong tapos na ang dasal. maya-maya lang may pumasok na pulis, ang buong akala ko ay gagamit lang ng computer sa internet cafè. bigla akong tinanong kung kasapi ba daw ako sa pananampalataya nila, umiling lang ako, tapos pinagtatanong lahat ng prenteng naka-upo sa mga stations at isa-isang kinumpiska ang mga resident booklet namin at citizen’s card ng mga katutubo. noon ko lang namukhaan yung parak, isa siya sa sumita sa amin ni niko sa mall.

demn! tiklo kami! yan lang ang naisip ko, isa-isang nagsulputan ang mga katutubong mahahaba ang balbas at walang pinalabas, kumpiskado ang aking resident booklet, naisip ko, tang ina! kung kelan pa ako uuwi saka pa ako natiklo. i kept my composure, hindi ko hinayaang umakyat ang itlog ko sa aking leeg. these people can smell fear. ini-imagine ko na ang sarili kong nagpi-piano1 sa kanilang opisina at kung sasamain, maghihimas ng rehas. no way! not on my paking bertdey!

nang makita ng pinaka-lider ng grupo ang kulay brown na resident booklet, ibinukod ito at itinanong kung kanino, taas naman kami ng kamay, ako at isang itik. iniabot ang booklet sa amin habang pinangangaralan na “dapat ay wala kami sa loob kapag oras ng dasal.” pagkakuha ng booklet ay nagmadali akong lumabas, demn! that was close. ito na ang pinakamatindi kong karanasan dito.

habang pauwi ay natatawa ako sa sarili. halong kaba at takot ang naramdaman ko noong mga oras na iyon, some police poked a gun on my face before pero kinaya ko yon, kakaibang takot ang naranasan ko kanina. iba talaga ang pakiramdam kapag hindi mo teritoryo, iba kung wala ka sa sarili mong bayan.

Popularity: 22% [?]

  1. binalubal na fingerprint []

Tags: Birthdays · Buhay Saudi · Daily Rants · Personal · Pinoy sa Ibayong Dagat · WTF

5 responses so far ↓

  • 1 neng // Dec 24, 2006 at 5:05 am

    huh? tapos na ba bday mo master? 23 pa lang kaya dito sa karagatan ko:lol: di naubusan pala ako ng keyk, oks lang … sadiki na lang! HIK :cool:

    eneweys as olweys … alles gute … Frohe Weihnachten na rin at kung matuloy ang uwi mo gute reise :smile:

  • 2 LaBs // Dec 24, 2006 at 7:18 am

    bat ganon? pag bertday mo, punong-puno ng aksyon?!!! nakakaloka naman yang nangyari sa yo. sign ba ‘to ng maasalaaman gitnang silangan? kaya nga mula ngayon galit-galit muna tayo pag prayer time jan hehehe.

  • 3 tin // Dec 24, 2006 at 9:56 pm

    happy birthday master. :) merry christmas!

  • 4 ann // Dec 25, 2006 at 7:33 am

    Happy Birthday ! Sayang nga di kayo nakarating di bale marami pa namang next time. Kelan ang lipad mo?

  • 5 Tuts // Dec 26, 2006 at 1:17 pm

    Nice ako pala ung pers onor sa bertdey mo! :lol:

Leave a Comment