Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

getting well soon

October 15th, 2006 · 3 Comments

i went straight to the clinic from work, pagdating ko sa reception, medyo nagkaproblema pa dahil hindi ko nadala ang patient’s card ko. instead of arguing, naki-usap na lang ako ng either hanapin ang file ko or mag-create na lang ng bagong file. medyo tinamad na rin sigurong maghanap yung itik na receptionist kaya nag-create na lang ng panibago.

i was referred to a filipino doctor, for the first time simula nang dumating ako dito, ngayon lang ako natingnan ng pinoy na doktor. dominated kasi masri1 o kaya naman itik2 na doctor ang mga ospital at clinic dito. di ko na nakuha ang pangalan ng doctor, wala namang nakalagay sa pintuan n’ya e.

doc: ubo at sipon?
mb: yes doc.
doc: nganga ka, ahhh… (demonstrating kung gaano dapat kalaki ang buka ng bibig ko)
mb: aaaahhh… (sabay buka ng bibig)
doc: (habang nakatutok ang penlight sa bibig ko) wow! grabe ang laki ng tonsil mo.
mb: (habang kinukuha ng itik na nurse ang bp ko) maga na naman doc
doc: oo. mahilig kang uminom ng malamig na tubig? tsokolate at matamis?
mb: (smile lang)

cocktail
nagsulat na si doc ng prescription habang nagbibigay ng dosage instruction. tatlong gamot ang ibinigay n’ya sa akin, (1) amoclan (amoxicillin) as anti-biotic must be taken twice a day, isa sa umaga, isa sa gabi, (2) nufen (ibuprofen) must be taken 3 times a day ang (3) tidilor once a day lang ang dosage.

actually kahit di mo na pakinggan yung instruction o basahin yung prescription, may unique way ang mga pharmacist dito, if you can see sa picture, may mga guhit ang kahon ng gamot, 1 line means once a day, 2 lines twice and so on.

i feel better now, buti na lang hindi nagtuloy ang lagnat ko. feeling ko kagabi on the way to the clinic malapit na kong mag-pass out. wish me well na lang…

[tags]tonsilitis, common colds, pinoy doctor, health & wellness[/tags]

Popularity: 8% [?]

  1. egyptian []
  2. indian national aka. bumbay []

Tags: Buhay Saudi · Health & Wellness · Pinoy sa Ibayong Dagat

3 responses so far ↓

  • 1 ann // Oct 15, 2006 at 2:46 pm

    Dito wala pa akong nakitang pinoy na doktor, buti ryan meron pala.

    Pag uminom ka ng antibiotics, dapat tapusin mo yung 7 days. Pag hindi babalik yang pamamaga ng tonsils mo.

    Get well soon.

  • 2 master // Oct 15, 2006 at 6:50 pm

    @ann, thanks… 2 yung doctor na pinoy sa clinic na yun, isang general practitioner at isang dentista.

  • 3 rHo // Oct 17, 2006 at 12:26 pm

    get well soon kuya!! sakit rin lumunok noh?! yay… bsta po, ingat na lang!

Leave a Comment