sinumpong na naman ako ng katamaran, halos 2 linggo akong di naglaba. hehehehe! bakit nga ba? wala lang, dala siguro ng panahon [aba at sinisi pa ang panahon], tumitindi na kasi ang init, maging ang dating simpleng paglalakad ay nagiging mahirap.
mabuti na lamang at medyo may karamihan ang laman ng aking cabinet, enough for 3 weeks. naipon na yan sa pagbalik-balik ko dito sa saudi.
kahapon kahit na 43% ang humidity, pinilit ko pa ring gampanan ang aking tungkulin, ang labhan ang aking mga damit. di naman actually mahirap maglaba, may makinang panlaba naman kami, may malinaw din naman iskedyul ng paglalaba sa pagitan naming 3. every wednesday night ang sked ko, si niko ay thursday si deks anytime. good thing nakalaba na si deks last sunday kaya libre na ang washing machine kagabi.
it took me more than two-hours bago matapos ang labahin, with in-between breaks, i.e. masarap na hapunan (pritong tuyo at itlog na pula), yosi etc. and after the ordeal is finished, plastado ang inyong lingkod, lapat ang likod sa kama kahit hindi pa inaantok.
promise, di ko na uulitin ito, dapat maglaba na ko every week. promise yan!!!
Popularity: 5% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














9 responses so far ↓
1 ann // May 17, 2006 at 3:51 pm
Dami ko na nasirang ganyang lalagyan ng damit..ginagawang basketball court ni Joshua eh.
2 masterbetong // May 17, 2006 at 4:07 pm
@ann, yan din malapit ng masira kapag napuno ng napuno!!!:razz::lol:
3 misty // May 17, 2006 at 4:37 pm
kahit di ka yata maglaba, marami ka namang damit… heheh! apply na lang ako labandera mo
500pesos bawat laba. tsk tsk.. ubos ang sweldo mo!
4 kneeko // May 17, 2006 at 7:09 pm
ayan si misty apply na raw maglaba hehehe
5 masterbetong // May 17, 2006 at 7:31 pm
@misty, tanggap ka na, weekly ka lang maglalaba, sagot mo pamasahe.
@kneeko, ok, sige basta ikaw magbabayad. hehehehe!
6 basey // May 17, 2006 at 10:08 pm
Hello Master,
Aba yan ang expertise ko maglaba…kaya ang per kilo ang tanggap ko 10 riyals per kilo nyahahahahaha:grin::lol: ..uu lagi ka maglalaba para walang kalat di ba..para lagi ka ding mabango!!!:mrgreen:
7 sirena // May 18, 2006 at 12:24 am
hindi katamaran yan!
bc lang sa iba ang pusa at daga
8 lojik // May 18, 2006 at 10:49 am
wag ka na lang maglaba.tapon mo na ang maruruming damit.tapos bumili ka ng bago. gawing disposable para wala ng labahan! joke!
di ba mas masarap maglaba pag mainit kesa pag malamig!
9 TK // May 19, 2006 at 6:25 am
Kung uso lang tlga ang mga disposable na damit, unang una ako sa mga pila.. im a certified tamadera… diko yan ipinag-kakaila… pero promsie ko, magbabago nako pag kasama kona asawa ko.. hehe
Leave a Comment