biglang pumasok sa utak ko while listening to new wave songs, kahapon pala ang 20th anniversary ng high school graduation namin. medyo na-delay kami noon kasi maraming political happenings, snap election & edsa-I to name a few.
ang saya ng high school, iba talaga, the age of discovery & learning certain things. panahon ng crush, pagtibok ng puso at pagtubo ng tagyawat. i would admit, notirious ako noong high school, together with my nerdy gang, we can wreck havoc.
“kayo na naman!” kalimitang sinasabi ng guidance counselor sa amin, minsan naglaro kami ng improvised baseball gamit ang bola ng tennis at isa dos por dos na napulot namin. pagpalo ni tacio, lipat ang bola hanggang 2nd floor, basag ang bintana ni batman [mrs. santos].
maging ang entry namin sa slum book ni esper nagdala sa amin sa guidance counselor:
hobby: smoking maryjane
ambition: to be a druglord
at marami pang kung ano-anong kalokohan na kapag isinulat ko dito, baka ma-block na ko ng isu. hehehehe.
hindi ko isinusulat ito para gayahin ninoman, i believe para sa akin nakatulong ng malaki sa development ko ang mga kalokohan ko noong high school. maybe kay insan hinde, looking at him now, nanghihinayang ako sa marami n’yang potential. as for me, it helped me in a way that it made me realize what’s good & bad. the black & the white.
sarap lang mag-balik tanaw.
Popularity: 5% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














8 responses so far ↓
1 tsokoleyt // Apr 2, 2006 at 4:08 pm
iba na talaga ang tumatanda … nahihilig manghalungkat sa baul
2 jhay // Apr 2, 2006 at 6:30 pm
masaya talaga ang highschool life, ito ang pinakamasaya at memorable na bahagi ng buhay ko. Notorius din kaming magkakabarkada sa noong higschool, muntik na kaming hindi makatapos ng 4th year gawa nung sumama kami sa EDSA 2. hehehe
Muntik din kaming masuspend dahil sa binuksan namin yung CPU na ginagamit namin sa computer lessons, ang bagal kasi at kapos sa RAM memory.
Hay….iba talaga kapag naghahalungkat ng baul, bumabalik ang mga maliligayang araw.:grin:
3 neng // Apr 3, 2006 at 4:07 am
na-senti na naman ako:sad:
dami kong naalala ah! kailangang mailabas din ito:sad:
4 ann // Apr 3, 2006 at 5:09 am
Dito pala nahawa si neng, pinag-usapan nyo ba? Pareho kayo ng post.
5 melai // Apr 3, 2006 at 1:10 pm
walang kwenta ang high school ko:sad:
at lalong naging walang kwenta dahil nalaman ko na isa pala ako sa pinaglaruan ng mirror na yan noong elementary ako ..nakwento lang ng isa sa mga notoryus dun … yung nilalagay sa may paa para mabosohan tsk tsk tsk tsk!! poteks ….. sarap pag tititirisin mga klasmeyt ko …baka ganunka rin dati ha! salbahe tsk tsk tsk tsk!
6 She // Apr 3, 2006 at 3:10 pm
same feelings here… sobrang happy rin ng HS life ko! and for me, nothing beats the friendships that were formed and nurtured during those years.
7 jaja // Apr 3, 2006 at 3:59 pm
ako rin, sulit ang highskul days ko, lahat at naranasan ko nung high skul ako maliban sa:roll: hehehehe.. sakretong malufhet… basta iba talaga kc meron kang solid na tropa d ung tipong pacute na campus gurls, ung game at cowboy, mga guro na uber saya kasama at feeling closeness na masasabihan mo lahat ng eclavusan mo. Masaya rin namang ang college days d b? ung nga lang mas mataas na level kasi d na patweetums ang pagkakaibigan as in tested talaga.. ay ang haba na ng post ko xencia na nadala
8 masterbetong // Apr 3, 2006 at 6:20 pm
@tsokoleyt, ok lang na tumanda, worth naman every year of my life:razz:
@jhay, kung isusulat ko lahat ng kalokohan namin, baka abutin ng 100 chapters:lol:
kaya mo yan neng:razz:
@ann, baka ginaya ni neng post ko, hehehehe
@melai, sikret…!!! hehehehe
@she, iba talaga sa HS kasi mas close ang friendship.
@jaja, college di masyadong masaya, censored ang college days ko!!! hahaha!!
Leave a Comment