Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

home sick home part-i

June 20th, 2006 · 7 Comments

i came accross this program called google earth, nakakatuwa kasi nga you can see an aerial view of any place in the world. mga satellite images ito, so i explored, binalikan ko ang mga lugar na natirhan ko at nadalaw, and this is what i found.
Kabulusanfirst stop, kabulusan. dito sa lugar na ito ako lumaki, tumira kami dito from 1972 to 1988. parte ng barangay maliksi sa bacoor, cavite ang kabulusan, di ko na maalala kung saan nanggaling yung pangalan na yun.

ang pulang linya sa picture ay ang ruta na dinadaanan namin bago makarating sa kalsada, isang makipot tabon1 sa pagitan ng palaisdaan lang ang dinadaanan. isa itong fishing community, halo-halo ang mga tao, majority ay mga “dayo” galing sa bisaya.

although “iskwater” ang tawag sa lugar namin, di kami napayag, well technically hindi naman kami squatter, may permiso kami mula sa may-ari ng lupa upang magtayo ng bahay doon. masaya buhay doon, tipikal na buhay nayon, magkakakilala at nagtutulungan ang mga magkakapitbahay, may kalayaang maglaro ang mga kabataang tulad ko. mahirap dahil kapag umaapaw ang ilog, inaabot ang loob ng bahay namin. but overall, masasabi kong naging kumpleto ang aking kabataan sa lugar na iyo.

Maliksinext stop, mababang paaralan ng maliksi (boxed in blue, the red line is my route going to school). dito ko ginugol ang unang pitong taon ko sa pag-aaral, mula kinder hanggang grade vi (1975 to 1982). dito rin nag-aral si nanay at si ate (bebang), yung 2 kuya namin sosyal kasi sa private sila nag-aral. kwento ni nanay, maliksi barrio school daw ang pangalan nito & grade 1-3 pa lang ang available classes dati.

nagsimula ako sa beinte cinco sentimos na baon noong kinder, sinkwenta noong grade iii at sitenta’y cinco bago magtapos ng elementarya.

tipikal na public school, may daily assigned cleaners, may mga teacher na nagtitinda ng yema, ice candy, pad paper at kung ano-ano pa. mga batang gusgusin, naka-sinelas, tumutulo ang uhog, kapag uwian o kaya naman recess ay naglalaro ng chinese garter, holen, tumbang preso, hagarang bahay, shato, sundot tae at kung nagkakapikunan ay may mga batang nagsusuntukan. popular ang mga pagkaing sundot kulangot, chocnut, texas, caramel, nutri-bun, sosyal ka kapag may baong kang chippy, curly tops, chiz curls at super tindi ng dating mo kung imbes na tubig o maputlang juice ang iniinom mo ay rc cola, santa o kaya naman sarsi.

this is just the first part, in the next few days, pipilitin kong hanapin pa ang ibang mga lugar na naging bahagi ng aking buhay.

Popularity: 11% [?]

  1. isang makipot na daan sa pagitan ng palaisdaan o asinan, normally less than 1 meter wide, pilapil ang tawag sa ibang lugar []

Tags: Cavite · Daily Rants · Home Sick Home · Personal · Pilipinas · Pinoy sa Ibayong Dagat · Senti Mode

7 responses so far ↓

  • 1 neng // Jun 21, 2006 at 2:07 am

    ej master, matagal ko ng balak i-post
    iyong sa akin para sana di maligaw si SAM
    ang linaw pa naman …
    kaso di siya natuloy :razz:

    kita ko na rin ngayon iyong bahay-kubo
    ko … cool neh :cool:

  • 2 eLLe // Jun 21, 2006 at 8:30 am

    salamat po! :)

  • 3 melai // Jun 22, 2006 at 1:46 am

    uy ako man gagaya
    gusto ko nyan gusto ko nyan!!

  • 4 fionski // Jun 22, 2006 at 7:38 am

    masterbate-ong!!! puro gerls ang nagcocomment dito ah. ehem! hehehe! :wink:

  • 5 tk // Jun 22, 2006 at 9:48 am

    manggagaya puto maya din ako… pero hindi ko ipopost baka habulin ako ng mga bumbay na pinagkakautangan ko.. bwahahah

  • 6 kneeko // Jun 22, 2006 at 5:48 pm

    :lol: di ko ipost yung lugar namin sa qc pati na sa isla ni gallo .. baka masundan ako sa bahay ng mga naghahanap sa akin hehehehe…

  • 7 melai // Jun 23, 2006 at 11:23 am

    kaines!!! di ko makita ang tundo..bakit hanggang manila lang ang kaya igoogle earth? :(

Leave a Comment