after finishing my elementary education, time for high school, during that time 4 na high schools ang available sa bacoor, namely, st. michael’s intitute, bacoor parish school, bacoor municipal high school at st. peregrine institute.
third stop, st. michael’s institute. mid-part ng 1981 ng magka-gulo sa bacoor parish school, doon nag-graduate ng elementary ang mga kuya ko. pinatatakbo ito ng philippine independent church (aglipay) bacoor parish school, walang religious descrimination dito, meaning tinatanggap nila bilang estudyante kahit na ano pang relihiyon ng aplikante.
since nagka-gulo & dahil gusto ng parents namin na magandang eskwelahan ang pasukan namin, ipinasok ako sa st. michael’s institute. ang problema, hindi ako katoliko kaya kailangan pang binyagan uli, biro ko nga kay utol, “kabibinyag pa lang sa akin ni mang onyong1, bibinyagan na naman uli ako?”
wala kaming nagawa kundi sundin ang policy, nagpabinyag ako bilang katoliko noong 1982. limang piso lang ang baon ko papasok ng eskwela, singkwenta sentimos ang one-way na pamasahe sa jeep, tres singkwenta ang tanghalian, kung hindi ko ibibili ng yosi ang singkwenta sentimos, may dos singkwenta ako every week.
ang dating kumbento ng simbahang ito ay ginawang room para sa mga elementary, maraming nakakatakot na kwento ang narinig ko dito. paglabas ng eskwela ay maraming nakatambay na vendors, manggang hilaw na may bagoong, nilupak, mani, palabunutan (sisiw o kalapati ang premyo) at marami pang iba.
i spent only 2 years sa school na ito, sabi ko kay ermats, “nay, ilipat n’yo na ko ng iskul bago pa ako ma-kick-out”. panahon ito ng bagets, cutting classes, ambell na pantalon, hanes na t-shirt, chongkee etc. 2nd year kami noong ipinalabas ang pelikulang bagets, ¾ ng high school students ang hindi pumasok noong first day, kung di ako nagkakamali, september ito (rosary month), pinaluhod sa school ground ang lahat ng hindi pumasok at pinagdasal ng rosaryo, hindi lang isang misteryo, kundi lahat ng misteryo (ilan nga ba ang misteryo?).
fourth stop, st. peregrine institute (blue roof). dahil naging notorious ang partnership ni insang bobby, inilipat na ako ni nanay ng iskul, unlike bobby di ko naman pinabayaan ang aking pag-aaral. sabi noong adviser namin noong first year kami, “sayang ang utak mo ricardo, kung saan-saan mo ginagamit, bakit di mo gayahin ang ate mo.”
dito ako napadpad sa peregrine, bagong tayo pa lang ito noon, it was established in 1982 at kilala bilang “tambakan ng kick-out”. to my surprise, inilipat din ni tita vining si bobby sa peregrine and the partnership continued.
masaya ang buhay peregrine, iskul bukol, students are either share holder or kick outs. marami ding matatalino sa iskul na ‘yon, naisip ko nga, maling iskwela ang pinuntahan nila, i deserve to be there. i graduated with one medal best in computer, yan ang isa sa maganda sa school, technical ang curriculum, sa palagay ko sila ang unang high school na nag-offer ng computer classes.
second part is done, abangan ang susunod na kabanata.
Popularity: 25% [?]
- manunuli sa lugar namin [↩]





![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)















3 responses so far ↓
1 jong // Jun 27, 2006 at 8:22 am
haha.. naka naman
2 tk // Jun 27, 2006 at 9:16 am
Ricardo pala ang ngalan mo master? ang ganda!! hehe!
3 marita deleon igaya // Aug 14, 2008 at 3:09 pm
graduate ako ng bacoor municipal high school noong 1981,nakabase na ako sa hawaii,USA.Nagenjoy ako ng basahin ko ang iyong story.aabangan ko ang susunod na kabanata.
Leave a Comment