Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Homesick na naman…

January 23rd, 2005 · 3 Comments

Sabi ko na nga ba wag tatawag sa Pinas e. Mabuti pa ung di ka natawag, at least di ka naho-homesick. Kanina tumawag ako sa Pinas kasi birthday ni utol. Since Sunday nga at birthday pa n’ya maraming tao sa bahay.

Na-miss ko tuloy ang Pinas bigla, na-miss ko ang mga handaan, ang mga times na magkakasama kami sa bahay kapag may okasyon, if I can remember right, the last christmas na magkakasama kami was in 1990.

Sine 1991, hiwa-hiwalay na kami, OK, may edad na kami that time pero nagsasama-sama pa rin kami. 1991 kasi pumunta si Kuya sa Saudi then the following year sumunod si Ate at Kuya kong panganay. Since then 3 na lang kami nagse-celebrate ng pasko sa Pinas, si Nanay, ako at ung bunso namin.

Ngayon parang imposible na kaming magsama-sama. Si Kuya settled na sa Canada with his wife and 2 tabaching-ching na anak (Aaron & Brian), si Ate naman andun sa UK, sa tingin ko settled na rin siya dun, kasama na nya asawa nya at anak nilang si Symon.

Ako naman andito, solo-flight pa rin. Si Kuya Arnel at si Bunso na lang nasa Pinas, si Nanay pa pala.

Well ganun talaga, nothing is permanent in this world but change, nagbabago lahat. Minsan masarap lang alalahanin ung happy times with your family. Although it makes me sick (homesick), pero OK lang.

Hayy… Naku!!!! Mabuti pa magtaklob na lang ako ng kumot at matulog! Happy birthday uli Tol.

Popularity: 3% [?]

Tags: Buhay Saudi · Home Sick Home · Personal · Pinoy sa Ibayong Dagat · Senti Mode

3 responses so far ↓

  • 1 angela // Jan 24, 2005 at 1:40 am

    Nakakahomesick talaga. Ako kahit nandito kami ng pamilya ko namimiss ko parin ang Pilipinas eh. :)

  • 2 fionski // Jan 25, 2005 at 7:15 pm

    Kumusta Kabayan! Salamat sa pagdalaw sa blog ko. Ganda naman ng blog mo, ikaw ba nag design nito? Link kita pag may time na uli ako mag blog. Hehehe.

  • 3 umiibabaw // Jan 26, 2005 at 3:57 pm

    sabi nga nila tol…”there’s no place like home”… ako araw araw kung pinapangarap ang pinas… hehehe!

Leave a Comment