Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Homeward Bound

March 20th, 2005 · 1 Comment

Ang tindi ng jet lag ko, siguro halong puyat at jet lag, puyat at pagod. Grabe kasi ang flight sked ko, imagine I have to check inat SABTCO Terminal at 2AM then sakay ng bus to Bahrain at 4AM. Sa sobrang mahiyain ko, I mean nakakahiya naman sa maghahatid sa akin, nagpahatid ako ng maaga sa bus terminal.

We arrived at the bus terminal around 1AM at pinauwi ko na ung mga nag-hatid sa akin para naman makatulog din sila, as usual ka-chika ko ung mga pinoys na super eager na rin maka-uwi, dahil experienced na ako sa Qatar Airways flight mejo ako naging bida sa kwentuhan.

Exactly 2:30AM nang magbukas ang check in counter, they checked the passports, visas & tickets to make sure that everything is in order bago kami pinasakay ng bus going to Bahrain.

The bus ride last for almost 2 hours, malapit lang kung tutuusin kaya lang kailangan dumaan sa 4 na terminals (Immigration counter ng Saudi & Bahrain and Customs Counter ng both countries), we arrived at Bahrain International Airport at around 5:30AM, katangahan talaga ng mga nagbaba ng maleta namin, ibinagsak na lang kung saan may tubig (it was raining hard the day before), ayun naputikan ang maleta at hand carry bag ko.)

At least 2 hours pa kami sa Bahrain bago tumulak papuntang Doha International Airport sa Qatar, grabe po ang turbulence, hilo ako after that 25 minutes flight. Then the long wait is on, 6 hours or waiting time before our flight to Manila which was scheduled at 2:30PM.

Kwentuhan, bidahan at sharing ng masama at magandang experiences sa mga employers nila. Ung isa 6 years na di umuwi, kasi ba naman di pa nga natatapos ang 1st contract niya nag-asawa na ng iba ung misis nya, cool diba? Ung isa naman, binata kaya 5 years daw siyang di umuwi, and the 2 Engineers were so eager to go kasi nga 3 months na silang nakatambay without paying their salaries.

Nagulat sila sa kwento ko, kasi nga 3 months pa lang daw ako ay uuwi na ako, yeps nag-share din po ako.

Passed 1PM ng mag-board kami, somebody wants to boot me out of the window seat ayoko nga, pwede ba mas OK ang window seat no. Pero naawa ako sa katabi ko sa upuan, 3 taon daw siyang nagtrabaho bilang domestic helper sa Qatar, OK naman daw ang amo n’ya, in fact nakumbinsi pa nga siyang magpa-convert sa Islam, eto ang masakit, while we are about to board the plane, may nagmagadang loob na magbantay ng kanyang gamit ay ayun di na niya nakita pa. Dala ang isang bag niya na puno ng pasalubong. Grabe no! Sarap Patayin ang ganun!

The flight to Manila was a little rough pero di ko na pinansin, ayun tulog ako halos sa buong flight and when I reached home, plakda ang lolo n’yo. Sobrang pagod at antok.

Popularity: 3% [?]

Tags: Pinoy sa Ibayong Dagat · Travel · WTF

1 response so far ↓

  • 1 the kid // Mar 20, 2005 at 10:01 pm

    hmmm…sumakit katawan mo? kawawa ka naman. I told you na pre eh, it’s not easy to do it in Airplane’s toilet, there ain’t enough room. It was designed to accomodate one person at a time.

    Pero mas kawawa yung DH, nawalan na ng isang bag na puno ng pasalubong, sumakit pa ang katawan!

    Anyway,happy for you pre.

Leave a Comment