para sagutin ang tanong ni roan at ang iniwan kong tanong sa nakaraang post ko, opo, pumasok ako noong huwebes. masakit man sa kalooban ko kailangang pumasok, as expected minamadali yung report na kailangan nila. demn! sulit na naman ang bayad sa akin.
since sweldo namin noong wednesday, i decided na ipadala na ang ransom money1 para sa anak ko. nak ng teteng 13.16 kada riyal na lang ang palitan! nagpunta ako sa bangko around 8pm, tuwing ramadan kasi 8-11pm ang working time ng mga padalahan dito. buwisit na yan ang haba ng pila! daig pa ang premiere night ng pelikula ni juday at piolo sa haba! puno na ang loob ng bangko samantalang may 2 pila pa na sa tingin ko ay mahigit sa isang daang katao ang bawat pila. letse, bukas na lang ako magpapadala!
friday was a bad day, barado ang ilong ko, nak ng kagaw na buhay ito! hirap na hirap akong bumangon, hirap na hirap akong huminga, buwisit na yosi panahon yan, paiba-iba. kung wala lang kaming usapan ni labs, di na sana ako babangon. after ng chat namin ni labs, kumain ako ng tanghalian, di na kaya ng powers kong magluto kaya itlog na pula (oo kasi hindi naman maalat) lang ang tinira ko.
habang nagpapababa ng kinain, isinalang ko yung bagong bili kong dvd, balak ko sanang maglaba pero half-way sa panonood, pakiramdam ko hinihila ako ng aking kama. it was 2pm ng mawalan na ako ng malay.
almost 6pm na ako ng magising, pinilit kong bumangon para maghapunan at maipadala na ang pera. mahaba pa rin ang pila pero pinilit kong makalusot, ok naman dahil before 9pm ay natapos ko ng lahat ng dapat kong gawin (except my laundry).
masama pa rin ang pakiramdam ko, pesteng sipon ito!
[tags]common colds, ofw remittance, buhay ofw[/tags]
Popularity: 7% [?]
- child support [↩]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














2 responses so far ↓
1 malaya // Oct 14, 2006 at 7:17 pm
Aba, ulirang ama, kahit masama pakiramdam basta para sa pamilya, gagawin. Mabuhay ka masterbetong.
Pagaling ka na. O wag ka nang sisinghot. hehehe.
2 rHo // Oct 17, 2006 at 12:23 pm
natawa naman ako… “nawalan ng malay” ah!! susme! nakatulog pala.. kala ko naman kung ano ng nangyari sa’yo! hehehe! pagaling ka na kuya!
Leave a Comment