Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

if only in my dreams

December 25th, 2005 · 5 Comments

this is just another christmas away from home.

last week pa nag-imbita si deks na doon ako mag-celebrate ng noche buena sa kwarto nila. since wala na namang tropa dito, umuwi sa pinas ang bida at si diego tapos panggabi naman si bong, i decided to spend christmas eve with them. mejo nahirapan akong makasakay, di naman kasi uso yellow taxi dito sa jubail, private cars lang na naniningil ng 2 riyals kada isang pasahero, pag minalas ka pa baka taglibog na katutubo ang masakyan mo malamang na dalhin ka noon sa disyerto.

anyways, nakarating ako sa bayan before 7pm, minutes before noche buena (pinas time), andun na si neil, jun, irwin, matt at ega. kinuha pa daw nila deks at kabise ang pancit malabon. kamustahan muna at greetings, when kabise & deks arrived dala na nila ang pancit tapos dumating din si mon. sinimulan na naming upakan ang nakahanda. tapos ng kainan yosi ako habang panay ang try ng pagtawag nila sa pinas. ito na siguro ang pinakamahirap na oras na tumawag sa pinas, laging network busy. panay ang ring ng telepono nila, sa akin lang yata ang hindi nag-ring.

it was 8:30 nang magpaalam ako, mahirap gabihin kasi may pasok pa kinabukasan. si turki ang nasakyan ko pauwi, isang katutubo na nagtatrabaho sa bahariyah (naval base) sa umaga tapos rumaraket ng taxi sa gabi. isinalang niya ung private joyce videoke, ung video ni joyce jimenez na pang videoke na mejo daring. habang tuwang tuwa siya sa pagsabay sa kanta at panonood kung paano unti-unting alisin ni joyce ang kanyang saplot, i can’t hel but count the christmas na wala ako sa pinas. pitong pasko (1988, 1999, 2000, 2002, 2003, 2004 & 2005) na pala akong wala sa pinas.

bumalik sa alaala ko ung first xmas ko sa labas ng pinas, 1988 noon, just after my 19th birthday. nasa japan ako noon, just like this year sunday din pumatak ang pasko that year. we had a party on christmas eve, patak-patak ang gastos. it was well prepared, lights & sounds pagkain at inumin. mejo may pagka-pilyo ung dj namin, when the clock strikes 12mn, pinatugtog niya ang kantang pasko na sinta ko and everybody cried. ang hirap noon, we are of the same age group, pare-parehong first timer sa abroad. i remember myself going outside the hall straight to the vending machine and got my self a beer. then naupo ako sa bench & i poured all my tears.

this year is just the same, paskong malungkot, paskong malayo sa pamilya. isang dial ng telepono lang ang gamot namin sa kalungkutan.

Popularity: 3% [?]

Tags: Uncategorized

5 responses so far ↓

  • 1 ann // Dec 25, 2005 at 2:21 pm

    Hello! Same here ,12 long years na rin kaming di nagpapasko sa Pinas…buti na lang may internet at celpone. Merry Christmas!

  • 2 inaanak // Dec 25, 2005 at 5:07 pm

    kring….kring….kring…. kanina pa ako tumatawag dito wala namang sumasagot!

    Ninoooooonggggggg!!!!!! nasaan ka na???? pinagtataguan mo naman ako. :(

    Maligayang Pasko na lang! dami mo ng utang sa akin. :D

  • 3 jong // Dec 25, 2005 at 11:00 pm

    meri christmas!!!

  • 4 sydney // Dec 29, 2005 at 11:49 am

    kung alam ko lang # mo di sana tinawagan kita khit na kolek hehehehe

  • 5 kaka // Jan 1, 2006 at 4:58 am

    heh? krismas na ba? ano ba yon?

Leave a Comment