Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

if only they can hear

April 8th, 2006 · 2 Comments

malimit na misjudged ang mga lalaki, malimit mali ang pagtingin sa mga katulad namin.

we had our practice kagabi, balak ng klasmeyts na sumali sa paliga ng Al-Jubail Dawa’ah & guidance center, isang organization ng mga filipino muslim, dawa’ah is the arabic word for invitation. it is an opportunity for us to play together again. kung wala lang yung mga commitments ng team mates ko, dapat nakapag-laro pa rin kami sa juba1.

after the pratice, the usual salo-salo follows, may inilutong pancit canton sila diego, bida at gerald. then the big night starts, limang bote na ang nakahanda, tulad ng dati, kwento lang ang contribution namin ni pareng deks. umiinom ako pero mula ng bumalik ako noong 2002 dito, i tested my self kung hanggang saan ko kakayaning hindi sayaran ng alak ang bituka ko. i have been successful most of the time, but i don’t wanna miss the bonding that unfolds during each session.

at doon lumalabas lahat, habang nababawasan ang tumatagay at habang tumataas ang tama, lumalabas ang damdamin, hindi ng isang lalaki lamang kundi, ng isang ama, isang asawa, mga bagay na hindi karaniwang pinag-uusapan. mga kalungkutan ng mabuhay ng nag-iisa sa malayong lugar, malayo sa mga mahal mo sa buhay.

being here is a test of a man’s strenght & patience, napakahaba ng pitong daan at talumpung araw na paghihintay upang muli mong makasama ang iyong pamilya, saan kami nakuha ng ganoong lakas? siguro sa pagmamahal na rin sa kanila. sana lang naririnig ng mga asawa nila ang mga bagay na pinag-uusapan namin dito, siguro mas mauunawaan nila kami.

Popularity: 2% [?]

  1. jubail basketball association []

Tags: Buhay Saudi · Friends · Home Sick Home · Pinoy sa Ibayong Dagat · Senti Mode

2 responses so far ↓

  • 1 melai // Apr 8, 2006 at 10:57 pm

    ei! senti rin pala dito ….yan ang problem ..hindi alam ng mga naiiwan doon, yung nararamdaman noong mga umaalis papuntang ibang bansa.

  • 2 tsokoleyt // Apr 9, 2006 at 6:17 am

    kanya-kanyang sakripisyo lang naman yan master.
    siguradong nahihirapan din sila lalo na doble
    ang responsibilidad na hawak nila …

    sa murang gulang, nakita ko ang hirap ni mama
    noong nag-saudi rin si papa :sad:

Leave a Comment