Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

infrared photography

April 17th, 2007 · 3 Comments

nakakita na ba kayo ng ganitong picture?

Pipho Tarlac EB IR group hug


this is one of the “group hug” photos during our tarlac photo ops taken using pubert’s (fellow piphol) camera with a hoya r72 filter attached on it. it is in near infrared range, matagal ng technique ito, nauso ito sa film cameras before. infrared is simply explained as the unseen light, lalo yatang lumabo. ganito na lang, yung ilaw sa dulo ng mga remote control (ng tv, beta, vhs, vcd, debede) yun ang infrared light, at ito ang gustong hulihin gamit ang infrared filter.

gusto ko sanang subukan ito, nakaka-enganyo kasi, ibang form na naman kasi ito ng photography. i’ve seen a lot of infrared photos (unaltered) at halos tumulo ang laway ko sa ganda. ang problema, may kamahalan ang filter na ito (hoya r72), 7,000 petot ang isa! holy cow! deadma na lang sana pero may bumulong sa akin “dre, pwedeng gawin yan sa photoshop.” magandang balita ito, and’yan naman ang ever reliable na google at itinuro sa akin ang step by step procedure kung paano dadayain ang aking larawan at syempre kailangang subukan, ginamit ko ang isa ring kuha mula sa tarlac photo ops.

Solitary Tree

eto ang original na colored picture, isang puno, napili ko ito kasi mas kita ang epekto ng infrared sa berde at ample natural lights. para hindi kayo malito, nag-post din ako ng isang converted black & white photo.

Converted Black & White

marami kasi ang nalilito sa itsura ng black & white at infrared, madali lang namang ma-distinguish. eto ang final result ng aking pandaraya eksperimento.

Converted into Infrared

hmmm… mukhang successful, ligtas ang 7,000 ko!

Popularity: 13% [?]

Tags: Photography · Photoshop · Tips & Techniques

3 responses so far ↓

  • 1 Ymir // Apr 18, 2007 at 1:31 pm

    ayos talaga dating ng infrared.. ita-try ko nga din yan. ^_^

  • 2 putographer // Apr 18, 2007 at 4:56 pm

    interesting! mag-puto-maya nga rin ako ;)

  • 3 rHo // Apr 18, 2007 at 10:07 pm

    gossshhh master, kahit ako e napahanga dun sa picture sa itaas! ang drama ng effect!! pero kuya… kuha mo na oh!! yeheeey!! o pano ba yan, pwede ba kitang kuning phtographer pag may gathering sa amin? hehehehe!!!

    gudlak sa’yo master!!!

Leave a Comment