Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

it’s unfair!

March 7th, 2006 · 4 Comments

bukas march 8 ang international women’s day.

International Women's Day

parang unfair naman yata yan! bakit walang pandaigdigang araw ng mga lalalaki, ng binabae o binalaki [meron bang ganyan?]. hehehehe! teka baka upakan ako ng mga women’s org nito, sobrang tapang pa naman ng mga iyan. dati muntik na kong hampasin ng isang instructor sa women’s right sa local union namin. sabi n’ya kasi, “lahat ng kayang gawin ng lalaki ay kaya ng gawin ng mga babae ngayon.” s’yempre numero unong epal ang inyong lingkod, sabi ko, “di n’yo pa rin kayang umihi ng nakatayo.” nagtawanan ang mga lalaking participants at nanlilisik naman ang mga mata ng mga kababaihan.

kidding aside, i admire women, i can’t imagine myself bearing a child for 9 months [bilbil ko nga lang hirap na ko e], sabi ni nanay dati “ang babae tuwing magbubuntis, isang paa n’ya ang nasa hukay.”

para kay nanay who supported us sa kabila ng kahirapan ng pagiging single mother, sa ate ko, sa bunso namin, sa mga hipag ko, sa nanay ng aking anak at sa lahat ng mga kababaihan, maligayang araw ng kababaihan sa inyong lahat.

Popularity: 2% [?]

Tags: Customs & Traditions · Point of View

4 responses so far ↓

  • 1 melai // Mar 7, 2006 at 6:03 pm

    isang mapagpalayang araw ng kababaihan sa kanilang lahat ..pati na sayo :)

  • 2 jong // Mar 7, 2006 at 11:54 pm

    woot.. daya!! hahaha

    salamat sa mga babaeng nagpapaganda ng buhay sa mga kalalakihan… nyahaha

  • 3 micah // Mar 8, 2006 at 3:20 am

    :grin: mabuhay!

  • 4 neng // Mar 8, 2006 at 6:24 pm

    DANKE MEISTER! :smile:

    HUT AB!!! :cool:

Leave a Comment