Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

Kahirapan

November 9th, 2007 · 7 Comments

Pauwi ako galing sa isang wedding shoot kagabi nang mapansin ko ang OB1 Van ng GMA News malapit sa St. Dominic Medical Center sa may Bgy. Talaba. Naisip ko lang na may scoop na naman sa Bacoor, dahil nga kapatid ni Bong Revilla ang bagong Mayor namin at may pagka-media addict ito. Anyways, habang daan ipinapanalangin ko na maabutan ko ang balita, pasado alas-9 na kasi at medyo malayo pa ang bahay namin.

Pagdating sa bahay, binuksan ko agad ang TV, OK din ito para sa akin, kailangan ko ring magpahinga bago mag-shower at matulog. May sumabog palang bomba sa isang subdivision sa Bacoor, 4 ang kompirmadong patay at 5 ang sugatan. Sa initial na report, pagawaan daw ng dinamita para sa illegal fishing ang naturang bahay at ito ang dahilan ng pagsabog.

Subalit hindi ang balitang iyon ang mas naka-antig sa kalooban ko, I was saddened by the news of an 11-year old girl na nagbigti. I was referring to Marianette Amper, isang onse anyos na batang babae mula sa Davao City, nagpakamatay umano siya dahil sa sobrang kahirapan at gutom. Sa kanyang diary, isinalaysay niya ang kanilang kahirapan, ang kagustuhan n’yang makapag-aral, na ang bawat araw ay tila pakikibaka para mabuhay.

Hindi unique ang kaso ni Marianette, batay sa narinig ko sa balita kagabi, 2 pang kabataan ang nagpakamatay dahil din sa kahirapan. Iisa ang katangiang tumatahi sa kwento nilang tatlo, ang pagnanais na makapag-aral. Siguro’y mas marami pang unreported cases ng teenage suicide, maraming magulang ang ninais na tumahimik na lamang at ipagkibit balita ang nangyari sa kanila.

Pinabubulaanan ng pangyayaring ito ang claim ng malacñan na umuusad ang ating ekonomiya, hindi ang pagpapganda ng mga kalye o kaya naman ang patuloy na pagtaas ng halaga ng Piso ang sagot sa kahirapan ng mga Pilipino. May mas malalim at mas komprehensibo pang paraan para tuluyang maibsan ang delubyong dinaranas natin.

Hindi rin si Erap o ang pagpapatalsik kay Gloria ang sagot, papalitan lamang siya ng peti-burges na patuloy na magsusulong ng programang pang-ekonomiya na pilit na isinusubo ng mga dahuyang nagpapa-utang sa atin. Sa iskemang import dependent, export oriented economy na bahagi ng Medium Term Philippine Development Program ang isa sa dahilan ng patuloy na pag-asa natin sa kanila.

Hangga’t walang mahusay na programa upang paunlarin ang kanayunan, hangga’t nananatiling alipin ng lupa ang mga magsasaka, hangga’t hindi pinapangalagaan ang karapatan sa trabaho ng mga manggagawa, hangga’t walang mahusay na programa sa ika-uunlad ng mga maralitang nasa lungsod at patuloy na may dadaing, may mga taong patuloy na iisiping mas mabuti pang wakasan na lang ang kanilang buhay kaysa maghirap.

Sinong maglalakas na loob na isulong ang ganitong plataporma? Sino ang magtatangkang itakwil ang mga patronong dayuhan na patuloy na nagpapahirap sa atin? Sa tingin ko wala, sana naman mayroon na sa malapit na kinabukasan.

Nakalulungkot ang nangyari sa 3 kabataang ito, hindi wasto ang pagkitil sa buhay subalit ito ang natatanging paraang nakita nila upang wakasan ang kanilang paghihirap.

Popularity: 75% [?]

  1. Outside Broadcast []

Tags: Cavite · Daily Rants · Pilipinas · Point of View · Politics & Economy · WTF

7 responses so far ↓

  • 1 Mariannet Amper: The next might be you « blog @ AWBHoldings.com // Nov 9, 2007 at 11:30 pm

    [...] FOOLS and The Rant of The Jester-in-Exile, Part II: Pinoy Big Briber Paeng: Callous Master Betong: Kahirapan Dominique Cimafranca: “Girl, 11, loses hope, hangs self” Mika: Poverty drives a [...]

  • 2 Sonnie // Nov 10, 2007 at 7:35 am

    Unless society will get its act together, poverty will not be addressed. In my opinion,

    The RC Church must cooperate in population management. Preventing the sperm from meeting the egg, whether natural or not, is not abortion. But messing it up after the union is already a crime.
    The rich in society to act like a big brother to the poor ones

    Employers to give and do more, when capable
    The rich barangay for a poor barangay
    In our own little way, we can share our time. resources, talents to educate, assist and help the less privilege get out of their situation.

    Citizens action, poltical will to rid our society of the corrupt and cheaters.
    More budget for education, health and other public services.

  • 3 karmi // Nov 10, 2007 at 5:06 pm

    :(

    nakakalungkot talaga kuya… hay…

  • 4 lester // Nov 11, 2007 at 4:28 am

    nakakalungkot talaga, sobra akong nalungkot. at i want to see more information about the news. kaya nagsearch ako sa google at napadpad ako sa page mo… nagsulat din ako ng blog about her, pero mahina lang yun, kasi nung sinulat ko yun, konting info lang alam ko.. haai…

  • 5 lestercavestany // Nov 21, 2007 at 5:37 am

    Sana hindi naman gayahin ng ibang kabataan ang ginawa ni Mariannet. Pero kung gayahin man nila, hindi natin sila masisi dahil patuloy ang kanilang kahirapan at kawalan ng pag-asa. Bilang mga simpleng mamamayan, paano ba tayo makakatulong?

  • 6 hanah // Jan 7, 2008 at 6:40 pm

    i fell so sad of what happened to her but i think killing yourself is not the solution in poverty,we may adk help from the gov.i think they will helr us……………

  • 7 ashley // Jan 22, 2008 at 9:19 am

    you now what this is just one of those sad stories of a filipino teenager who commits suicide..to think she is just an 11 year old girl and she’s already carrying the burden of how will their family eat 3 times a day..this is really sad..maybe the government should give more budget on education and if they do, they should make sure that it will go directly on the education of those young filipinos who are not well enough to be able to go to school..

Leave a Comment