welcome sa aming munting tahanan, hayaan n’yong ipasyal ko kayo sa kabuuan ng aming hamak na tinutuluyan. matagal ko na rin sanang nais na ibahagi ang aming payak na kwarto. hindi ito kalakihan, kung tutuusin maliit ito para sa 3 tao, pero due to budget constraints pinagkasya na lang namin ang aming mga sarili dito. ang kagandahan lamang nito ay hiwalay ang kusina at may entrance hall at syempre mura ang upa idagdag mo pa ang libreng kuryente at tubig.
first stop is our entrance hall, medyo masikip kaya shoe rack lang ang nakunan ko ng picture. napansin n’yo ba ang mga halaman sa ibabaw? yan ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng artist naming ka-kwarto. kung di ko lang napigilan yun baka ginawang botanical garden ang aming k’warto.
equally divided ang shoe rack na yan, ika nga hating kapatid, walang lamangan, yung first row ay para kay kneeko, the next row ay para kay deks at yung pinaka-ilalim ay para naman sa akin.
‘yung hindi n’yo nakita sa entrance hall ay ang ibang gamit like ironing board, cleaning stuff, ung aming salamin, isang arabian style na sofa at 2 closet.
next stop ay ang aking tulugan, yan ang bubungad sa inyo when you enter the main room, most of the things here we bought from haraj, yung side table, yung bed frame, the rest bago. necessary ung side table para within reach yung mga gamit lalo na kung naghahanda sa umaga.
pansin n’yo ba ung 3 frame na naka-hang? yan yung pinadala sa akin ni kaibigang jeff from dubai. also hanging are my caps, 4 pa pa lang, wala naman akong balak gayahin ang koleksyon ng daga, the next is where i place my daily essentials like, lotion, gel, etc. etc.
the space is enough for me to sleep, move & do my stuff, nagagawa ko rin ang paminsan-minsang pagbabasa, pampatulog baga.
eto naman ang tulugan ni pareng deks, simple lang naman yan, basta and’yan ang pictures ng kanyang pamilya at sound solb na yan. like me, halos karamihan din ng gamit n’ya we bought from haraj.
wag n’yo na lang pansinin kung di maayos ang mga gamit, nasa personality n’ya talaga ang ganyan, hehehehe! ganyan naman talaga dito, di na nabibigyang pansin ang pag-aayos ng mga gamit.
what’s missing now in pareng deks’ life is the television & pinoy showbiz update. he’s (yeah, siya ang sasagot) planning to buy a new television set para naman may konting entertainment sa aming k’warto.
eto naman ang kay kneeko, kung akala n’yo na sa lungga siya natutulog, mali kayo, in fact maayos sa gamit ang taong yan, siya ang self-designated interior designer ng aming k’warto. that’s his closet on the side, a salvaged one, hinarbat niya mula sa papa-alis na okupante ng k’wartong ito. hehehehe!
makikita rin ang sangkaterbang balangot (cap) na hinablot kinolekta n’ya kailangan n’ya kasi yan dahil hindi na tumalab ang mare & tail at sabila (aloe vera) sa kanya. kidding aside, kulang pa daw yan dahil most of his caps ay naiwan n’ya sa pinas.
on thing is common to the three of us, we all have a side table, isang shop lang ang pinagbilhan namin n’yan.
final stop is our kitchen, di ko na ipinakita ang banyo, parang sobrang private na naman yata noon. simple lang ang kitchen, di naman araw araw ang luto namin dito, pag may sinumpong lang (most of the time ako).
walang masyadong appliances sa aming kitchen, the must have lang, coffee maker, rice cooker, utensils & an electric stove (that would really test your patience while cooking), the kitchen cabinet was made by our co-worker. sa may right side (hindi na-capture) andoon ang aming monoblock round table at ilang silya. sa left naman ung kitchen sink.
yan ang bahay namin, simple lang pero rock! hehehehe! salamat sa iyong pagsama sa pag-iikot sa aming munting tahanan.
Popularity: 6% [?]






![:: globeofblogs [dot] com :: globeofblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/gob-listed.gif)
![:: blogwise [dot] com :: blogwise](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/blog-wise.gif)
![:: photoblogs [dot] org :: photoblogs](http://www.masterbetong.net/wp-content/uploads/2004/05/photo-blogs.gif)














8 responses so far ↓
1 ethel // Apr 30, 2006 at 5:22 pm
Naalala ko tuloy yong room ko dati sa Dubai
2 SSS // Apr 30, 2006 at 6:44 pm
akala ko ba mga alaga niyang halaman ay
gumagapang
ok naman pala condo ninyo, klein aber fein!:wink:
3 jong // Apr 30, 2006 at 11:07 pm
ayos yan. kung makikita mo ang mumunting tinutuluyan naming ngayong magkakapatid eh maaawa ka. apat kami pero ang kama ay isang double deck lang na mas malaki ang sa ibaba. tapos may extra kama para may matulugan pa. Isa lang ang kwarto, kusina, banyo at sala. Ganyan katipid hehe. Renta lang naman, Pero sa awa ng diyos eh sana matapos na ang bahay sa cavite. Maliit rin lang pero rock hehe hindi kahoy. Korni!
Parang ganyan din ang mga picture ng kwarto nila papa dati nung ala binata pa siya haha.
4 TK // May 1, 2006 at 6:32 am
Ay kedami dami nyo palang shoes, ako kc eh tatlo lang… i mean tatlong pu.. hehe!. hindi naman mahalaga kung maliit ang isang bahay. mas ok nga kung magulo at leat may nililinis kayo… i would rather choose a small house dat i can call a home hindi bapo? rather dan having a mansion na hindi mo makuhang matawag na home. alam nyo un? hay ang hirap i explain. pero alam ko gets nyoko dba? heheheh!
5 masterbetong // May 1, 2006 at 12:38 pm
typical ang ganyang room sa middle east ethel
SSS, meron ding gumagapang pero punggok pa din hanggang ngayon.
Jong, malapit na pala tayong maging magkababayan e!
TK, sabi nga ng isang kanta, a house is not a home.
6 kneeko // May 1, 2006 at 1:35 pm
sss, bat hinahanap mo ang halaman na gumagapang? baka sa susunod ang cactus ko naman.
master, parang kulang ata ang pix ah nyahahaha…. sige ipost ko na lang sa susunod.
tama basta malinis ang bahay walang ipis… takot pa naman ako:sad:
7 misty // May 1, 2006 at 2:16 pm
master ang liit naman po ng kama nyo, pag sweldo nyo ngayong katapusan baka pwede palitan na. inde kasi kayo kasya ni mam tekla, baka mahulog sya… nyahaha joke lang poh!
Napansin ko lang ang dami mong sapatos, lahat ba yan naisusuot mo? Tapos mahilig din kayo sa halaman, pati sa kwarto meron (intrigera noh?):grin:
8 jong // May 2, 2006 at 10:31 pm
alam ko kung bakit maraming halaman. para hindi mangamoy ang mga sapatos haha..
Leave a Comment