Vantage Point

A day in a life of an aspiring photographer

Vantage Point header image 2

kailangang mamaluktot?

January 31st, 2006 · 3 Comments

kapag maikli ang kumot
matutong mamaluktot

kasabihang filipino

umiikli na ng todo ang kumot ng mga filipino, bukas ipapatupad na ang karagdagang 2% vat. may malaking epekto ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng karaniwang mamamayan [ayokong gamitin ang salitang mahirap, overused & misused na yan ni erap], sa ngayon pa lang ay umaangal na sila, paano pa bukas?

siguro nga bugok na lang ang magsasabi na di makaka-apekto ang vat sa atin. may natanggap akong e-mail mula sa isang kaibigan ‘dre, wala bang opening jan, hirap ng buhay dito’. dati ayaw n’yang iwan ang maganda at seksi n’yang gf, pero ngayon nag-iisip na rin siyang umalis.

i don’t have any problems with taxes, sana nga lang nakikita natin kung saan napupunta ang buwis. hindi lang ginagamit para sa photo ops tuwing namimigay ng bigas at medicare cards, hindi lang yan ang trabaho ng gobyerno.

Popularity: 4% [?]

Tags: Uncategorized

3 responses so far ↓

  • 1 gabby // Jan 31, 2006 at 5:28 pm

    meron pa bang kumot ang mga pinoy? :evil:

  • 2 melai // Feb 1, 2006 at 2:19 pm

    matagal ng tanong yan .. saan ba napupunta ang tax na binabayad ng mga pinoy? :) tanong mo ke FG Hehehehehe!! kasama sya ni pacman sa las vegas … baka pinambayad nya sa hotel …. wala naman daw trabaho na e papasyal pasyal pa :)

  • 3 .:splv9.0.hanging[tough}:. » Blog Archive » no right to complain // Feb 1, 2006 at 7:36 pm

    [...] the author « kailangang mamaluktot? [...]

Leave a Comment